Balita

Iniong, may sopresa sa ONE

- Annie Abad

Sa pagtahak ni Gina Iniong sa kanyang ikatlong taon sa ONE Championsh­ip, nakatuon siya sa pagtupad sa mga oputunidad na ipinagkaka­laoob sa kanya gaya na lamang ng kanyang nalalapit na pagsagupa sa pagsisimul­a nuli ng ONE: FIRE & FURY kontra kay Asha Roka na magaganap sa Mall of Asia Arena.

Mahalaga para kay Iniong ang kanyang susunod na laban gayung huli siyang nakaranas ng panalo noong nakaraang Pebrero pa ng 2019, kung saan nagwagi siya ng split decision kontra kay Jihin Radzuan sa ONE: CLASH OF LEGENDS na nagbigay ng kanyang 4-2 overall sa promotion at 8-4 rekord naman sa kabuuan ng kanyang career.

“Everyone wants to be a World Champion. We will get there eventually, but right now, this next fight is the most important to me,” pahayag ni Iniong.

Ayaw pakasiguro ni Iniong kahit pa nga nakasagupa na nito ang mga gaya nina One World Title challenger na sina Istela Nunes, Jenny Huang at Mei Yamaguchi, at patuloy pa rin ang kanyang ensayo kasama ang ng mga Baguio City native at ang buong Team Lakay.

Binigo ni Iniong ang pambato ng Japan na si Yamaguchi noong huli nilang sagupaan noong 2017.

“I have never thought about how many fights I need left before I get a title shot. I am just focused on always getting that victory against whoever they put in front of me. I just want to showcase my best and win,” aniya.

Ngunit sa ngayon ay nais lamang ni Iniong na pagtuuanan ng pansin ang kanyang laban kontra kay Roka na may 4-1 sa ONE World Champion Stamp sa kanyang unang sabak sa nasabing kompetisyo­n.

“Right now, the only thing on my mind is beating Asha Roka. hat is what I am training for. I will take things one fight at a time. I believe in my abilities and trust in my team. Whatever opportunit­ies come after, I will take it.

Asha Roka is a striker who has very good boxing. I think her weakness may be in her ground game. I think I am the more well-rounded fighter. That is the difference between us,” ani Iniong.

Makikipag sagupa din ang ilang kakampi ni Iniong sa Team Lakay kabilang sina ONE Strawweigh­t World Champion Joshua Pacio, dating ONE Lightweigh­t World Champion Eduard Folayang at si Danny Kingad.

“I am excited to climb the ring for ONE Championsh­ip again, and even more so that this event is in Manila. I want to make the Filipino fans proud again so I am looking to give a good performanc­e,” ayon pa kay Iniong.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines