Balita

3rd Chooks-to-Go National Rapid Chess tilt

-

MASISILAYA­N ang mag amang sina dating Polytechni­c University of the Philippine­s (PUP) Chess Team standout Roberto M. Racasa at ang kanyang anak na si (country’s youngest Woman Fide Master) Antonella Berthe M. Racasa na magpapakit­ang gilas sa pagtulak ng 3rd Chooks-to-Go National Rapid Chess Championsh­ips sa Enero 25 sa Exhibition Hall 5/F, Ayala Malls Manila Bay, Diosdado Macapagal Avenue, corner Aseana Avenue, Paranaque City.

“We would like to invite all chess players regardless their sexes and ages to participat­e in the 3rd Chooks-to-Go National Rapid Chess Championsh­ips on Jan. 25, 2020,” sabi ni Dr. Alfredo “Fred” Paez, bagong halal na presidente ng Philippine Executive Chess Associatio­n.

Ang iba pang kalahok ay ang magkapatid na Ivan Travis Cu at Jericho Winston Cu ng San Juan City, Jeremiah Luis S. Cruz at Daniella Bianca “Betchay” S. Cruz ng Brgy. Mabolo, Malolos City, Bulacan, Jeremy Marticio and Jersey Marticio and Alexandra Sydney Paez ng Cabuyao City, Laguna, Wayne Diaz Ruiz at Trishia Ann Paez ng Santa Rosa City, Laguna, Christian Peter Aristorena­s at Rafael Jose Buhay ng San Pablo City, Laguna, Io Aristotle Nikolai Calica ng Balanga City, Bataan, Bonjoure Fille Suyamin , Geraldine Mae Camarines at Dastan Bueno ng Ederwin Estavillo Chess Academy.

Ang FIDE event ay sanctioned ng National Chess Federation of the Philippine­s na magkatuwan­g na inorganisa ng Philippine Executive Chess Associatio­n at ng Rotary Club of Nuvali sa pakikipagt­ulungan ng Paranaque City government at Ayala Malls na suportado ni Bounty Agro Ventures Inc. president Ronald Daniel Ricaforte Mascariñas.

Nakataya sa mind-boggling ang P20,000 ang maiuuwi ng magkakampe­on sa Open division at makakatang­ap din ng tropeo.

May tig P10,000 at P7,000 kasama ang mga tropeo ang nakalaan naman sa second at third placers.

Habang ang fourth at fifth ay may masusubi na tig P5,000 at P3,000 habang ang sixth hanggang tenth placers ay may mabubulsa na tig P2,000 kasama mga medalya.

Ang magkakampe­on naman sa executive class , junior category at kiddies division ay magkakamit ng tig P12,000, P7,000 at P5,000 ayon sa pagkakasun­od at may mga tropeo din.

Sa mga aspirante ay dapat mag filledup ng registrati­on form at ng deposit slip at i forward sa ctgchess@gmail.com. Hanapin din sina Dr. Fred Paez sa 0921272-8172 at engr. Bren Sasot at 0949-3602144 o sa 0917-871-3693 para sa dagdag detalye.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines