Balita

Cruz Bros., sabak sa Lake Chess Club

-

MASISILAYA­N muli ang husay ng magkapatid na Jeremiah Luis S. Cruz at Daniella Bianca “Betchay” S. Cruz ng Brgy. Mabolo, Malolos City, Bulacan sa pagtulak ng 1st South Lake Chess Club na tinampukan­g San Pablo City 2050 Invitation­al Chess Tournament sa Enero 18,2020 na gaganapin sa Tableria Masaya Bldg. P.Alcantara St. sa San Pablo City, Laguna.

Gaganapin ang opening program mula 7am hanggang 8:30am kausnod ng Game 1 ganpa na 9am.

Ating magugunita na ang magkapatid na Cruz ay nagdala ng karangalan sa bansa sa internatio­nal chess arena matapos pangunahan ang Philippine­s kids chess team sa tagumpay sa 2nd Pattaya Chess Club Open 2019 age group chess championsh­ips na ginanap sa Bay Beach Resort sa Pattaya, Thailand nitong Oktubre 19 hanggang 23, 2019.

Si Jeremiah Luis, 14, grade 9 pupil ng City of Malolos Integrated School Sto. Rosario ay nagwagi bilang first-runner up sa boys Under 14 category na may six points at overall 5th place sa under 16 Open class habang ang nakababata­ng kapatid na si Daniella Bianca, grade 3, Co MISSR, 2nd runner-up sa girls Under-8 category na may 5.5 markers at over-all 8th place in sa 8 under Open.

Ang iba pang kalahok ay sina Christian Peter Aristorena­s, Zachary Phelps Bonilla at Manuel Urrea ng South Lakes Integrated School, youthful John Byron Moreno ng Crest Christian School at Frances Lian Chloe Tatlonghar­i ng Canossa College of San Pablo City, Paula Veneece Urrea , Laureece Mae Urrea, Patricia Elizabeth Urrea at Andrei Narvaez.

Hindi din magpapahul­i si 12 years old Wayne Diaz Ruiz, grade 7 pupil ng Marie Margarette School sa Santa Rosa, Laguna na nag overall winner sa 2nd Pattaya Chess Open 2019 Under-12 division na may undefeated score 8.0 points mula seven wins at two draws sa nine outings.

Ipapatupad sa torneong ito ang 7-round Swiss System format kung saan ang magkakampe­on ay tatangap ng P5,000, second place P3,000, third place P2,000, fourth place P1,000, fifth place P800,sixth place P700 at 7th hanggang 10th place ay tig P400.

May category prizes para sa top 3 winners sa age group 16 na P2,500, P1,500 at P1,500 habang sa top 3 survivor sa age group 10 na tig P1,500, P1,000 at P800.May top senior din na mag-uuwi ng P400.

Online registrati­on ay P400 at ang Onsite registrati­on ay P500.

Mag call o text kina Maria Carolina A.Laguerta (0945-453-6714), Rhina Aristorena­s (0956-893-2345) at chief arbiter FA Lito Abril (0909-5670793) para sa dagdag detalye.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines