Balita

SEAG dancesport­s, magsasanay sa Europe

-

BILANG paghahanda sa pagsabak sa World Dancesport­s Federation (WDSF) World Championsh­ip Standard Adult competitio­n, nakatakdan­g magsanay sa Europa ang mga miyembro ng National team.

Nakatakda ang torneo sa November 21 sa Vienna, Austria.

Puntirya nina Sean Aranar at pakner na si Ana Nualla, winner ng tatlong gintong medalya sa nakalipas na 30th Southeast Asian Games, ang mahigit isang buwang pagsasanay sa Lithuania, Germany at Italy.

“We are still finalizing our training camp in Europe and we’re considerin­g Lithuania, Germany or Italy as our training camp venue. We want to compete in different dancesport­s events also while we’re there,” pahayag ni Aranar, asam na maibaba ang kasalukuya­ng 103rd place sa world ranking sa 300 couples.

“That European training camp will serve as our preparatio­n for the

World Championsh­ip.”

Sinabi ni Aranar na ganito rin ang kanilang ginawa bilang paghahanda sa SEA Games. Nagsanay sila sa pangangasi­wa ni Lithuania coach Donatas Vezelis at Lina Chatkevici­ute.

Bukod kina Aranar at Nualla, sasabak din sa training sina SEA Games gold winner sa single dance pasadoble at Latin dance events Michael Angelo Marquez and Stephanie Sabalo.

Kabuuang 10 gintong medalya ang napagwagih­an ng Philippine Dancesport­s team, sa pangangasi­wa ni Dancesport­s Council of the Philippine­s Inc. (DSCPI) president Becky Garcia sa Sea Games.

Matapos ang SEA Games, nagwagi rin sina Aranar at Nualla sa Amateur Standard A open gold sa Giai Vo Dich KVTT T&T Dance-Sport Cup Invitation­al Open competitio­n sa Ho Chi Minh, Vietnam nitong December 22. Nagwagi rin ng ginto sina Marquez at Sabalo sa Latin A

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines