Balita

Bataan at Pasay, kumikig sa MPBL playoffs

-

NAISALBA ng 1Bataan-Camaya Coast ang matikas na pakikihamo­k ng Bicol-LCC Stores, 76-72, nitong Miyerkoles para buhayin ang kampanya na makahirit ng playoff sa susunod na round ng Chooks-to-Go/ MPBL Lakan Season sa Bataan People’s Center.

Dumikit ang Volcanoes sa 72-74 may 26 segundoa ng nalalabi, ngunit nagpakatat­ag ang Risers sa krusyal na sandali, tampok ang split free throw nina Achie Ingo at Ryan Batino para maselyuhan ang ikatlong sunod na panalo at mahila ang karta sa 17-9 sa North division.

Nanguna si Batino na may 18 puntos at 13 rebounds para makuha ng Camaya Coast-backed Risers ang No.5 spot sa division.

Ang top four team ay mabibigyan ng homecourt edge sa playoffs.

Nag-ambag sina Chito Jaime, James Castro, at Byron Villarias ng tig-10 puntos sa Risers.

Pinangunah­an ang Volcanoes, suportado ng LCC Malls, ni Hafer Mondragon na may 16 puntos, habang tumipa sina Ronjay Buenafe at Alwyn Alday ng 14 at 12 puntos, ayon sa pagkakasun­od.

Nauna rito, ginapi ng Pasay Voyagers ang Bacolod Master’s Sardines, 61-50.

Ratsada si hot-shooting Jaypee Belencion na may 15 puntos mula sa 3-of-3 sa hree-point zone at 3 of 4 sa hort-range.

Umakyat ang Pasay sa 14-12 karta, sa likod ng Pasig Sta. Lucia at Caloocan (14-11).

Sinalanta naman ng Nueva Ecija Rice Vanguards ang Quezon City Capitals, 92-74.

Hataw ang ‘Twin Towers’ na sina Justin Arana na may 19 puntos at 11 rebound, at Maclean Sabellina, na may 13 puntos at walong rebound, sa Rice Vanguards.

Iskor:

(Unang Laro)

Pasay (61) – Belencion 15, Lastimosa 13, Opiso 11, Moradas 11, Reverente 7, Inigo 2, Jamon 2, Hilario 0, Chan 0, de Villa 0, Ilagan 0

Bacolod-Master Sardines (50) –

Adamos 9, Javelona 8, Camacho 7, Villahermo­sa 7, Tansingco 5, Haruna 5, Gayosa 3, Charcos 3, Canada 3.

Quartersco­res: 13-15, 29-31, 48-33, 61-50

(Ikalawang Laro)

Nueva Ecija (92) – Arana 19, Sabellina 13, J. Reyes 12, Martinez 9, Gonzaga 8, Monte 5, Celada 3, G. Reyes 3, Gotam 2, Tadeo 2, De Leon 0

Quezon City-WEMSAP (74) – Mabayo 23, Olayon 20, Tayongtong 13, Castro 8, Medina 6, Derige 2, Gaydon 2, Santiago 0, Olea 0, Sison 0, Atabay 0, Barua 0

Quartersco­res: 23-12, 50-25, 69-53, 92-74

(Ikatlong Laro) 1Bataan-Camaya Coast (76) – Batino 18, Jaime 10, Villarias 10, Castro 10, Jumao-as 8, Inigo 7, Juntilla 6, Gallardo 6, Gozum 1, Cudal 0, Llanto 0

Bicol-LCC Stores (72) – Mondragon 16, Buenafe 14, Alday 12, Garcia 8, Guerrero 7, Lalata 7, Aldave 5, Gusi 3, Alfonso 0, Manalang 0

Quartersco­res: 23-22, 28-32, 58-55, 76-72

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines