Balita

MDC3x3, akma sa batang Pinoy

- Ni EDWIN ROLLON

MAS maraming kabataan, higit yaong age-grouper ang mabibigyan ng pagkakatao­n na mapaunlad ang galing at karanasan sa ginaganap na MDC 3x3 basketball tournament.

Taliwas sa ibang organisasy­on na nagsasagaw­a ng kaparehong basketball meet, ang MDC 3x3 ay nakatuon hindi lamang sa 18-under division bagkus sa iba’t ibang age group class.

“The MDC3xx is an open tournament, focus in age group division. We believe that from this group, talagang nagsisimul­a yung passion ng mga players. Dito talagang madedevelo­p yung talent nila at maihahanda sila once they go further sa kaniolang career,” pahayag ni Jessica Diaz-Clemente, MDC vice president for Sports, sa kanyang pagbisita sa TOPS (Tabloids Organizati­on in Philippine Sports) ‘Usapang Sports’ kahapon sa National Press Club sa Intramuros, sa pagtataguy­od ng Philippine Sports Commission, PagCor, Community Basketball Associatio­n at HG Guyabano Tea Drinkgs.

Kasama niyang nagbigay nang paliwanag hingil sa kabuuan ng programa sina Alaine De Leon at coach Goy Bagares.

“W e started as a small tournament, now 24 team na ang naglaro sa qualifying meet and we’re preparaing for the National Finals on May 11 at the Marikina Sports Complex,” sambit ni De Leon.

Ayon kay coach Bagares, kasalukuya­ng isinasagaw­a ang ilang qualifying tournament sa Roxas City, Bacolod, Iloilo, Palawan, Negros,

Baguio, Pangasinan, Quezon City, Las pinas, Sta.Lucia, Lucena, Iligan, Cdo, Cabanatuan, Cavite, Leyte at Butuan.

Ang mga bracket ay 10u born 2009, 12u born 2007, 15u born 2004, 18u boys born 2001, 18u girls born 2001, 21u born 1998 at open.

“All champions team sa qualifying at maglalaban sa National Finals,” sambit ni Bagares.

Idinagdag ni Clemente na may nakalaang perpetual trophy sa National champion at cash prizes.

“Sa qualifying meet meron na rin kaming ibinibigay na trophy and cash,” aniya.

Bukod sa tatlo, kasama rin mga opisyal ng MDC sina Maricel Diaz Clemente (President), at Tobee Diaz Clemente (Vice President basketball).

 ??  ?? NAKATUON sa kabataang Pinoy ang MDC3x3 tournament na pinanganga­siwaan nina (mula sa kaliwa) coach Goy Bagares, Alaine De Leon at Jessica Diaz-Clemente sa kanilang pagbisita sa TOPS ‘Usapang Sports sa National Press Club.
NAKATUON sa kabataang Pinoy ang MDC3x3 tournament na pinanganga­siwaan nina (mula sa kaliwa) coach Goy Bagares, Alaine De Leon at Jessica Diaz-Clemente sa kanilang pagbisita sa TOPS ‘Usapang Sports sa National Press Club.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines