Balita

Kampeonato sa Ginebra Kings?

- Marivic Awitan

Laro Ngayon (MOA Arena) (Game 5, best-of-seven) 7:00 n.g.- M eralco vs Ginebra

TAPUSIN na kaya ng Barangay Ginebra Kings o makahirit pa ng liwanag ang Meralco Bolts?

Naghihinta­y na masayang huntahan sa barangay sa paglarga ng Game 5 kung saan isang hakbang na lamang ang kailangan ng Kings para sa isa pang pagdiriwan­g sa PBA Governors Cup ngayon sa MOA Arena.

Tangan ng Ginebra ang 3-1 bentahe at halos last ng aspeto ay pabor sa Kings sa pagkakatao­ng ito. Nakatakda ang laro ganap na 7:00 ng gabi.

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Kings upang ganap na maging kampeon matapos makuha ang 3-1 bentahe sa serye sa pamamagita­n ng 94-72 panalo noong Game 4.

Ngunit, sa kabila nito, hindi pa rin inaalis ng Kings ang posibilida­d na masingitan pa sila ng Bolts.Kaya naman kung si import Justine Brownlee ang masusunod, tatapusin na nila ang laban ngayong Biyernes.

“I’m still looking at them like a dangerous team, and they probably lost some confidence but I think a turnaround come Friday [Game 5] and they’re going to be confident in what they can do to try and force this into a Game 7,” pahayag ni Brownlee.

“We definitely want to end this on Friday and not allow them to get any kind of rhythm or any momentum,” aniya.

Sa kabilang dako, hangad naman ni Meralco coach Norman Black na makabawi mula sa itinuturin­g nyang nakahihiya­ng laro na ipinakita nila noong Game 4 kung saan hinayaan lamang anilang gawin ng Kings ang kanilang gusto.

Ayon pa kay Black, nahihiya sya sa pamunuan ng Meralco at ng PBA dahil hindi sila nakapagpam­alas ng inaasahan sa kanilang laro na gaya ng nauna nilang ipinangako.

“We fought together and come back and fight on Friday or we maybe in for the same,” sambit ni Black. “We just have to figure out a way to bounce back from this and come up and play basketball (on Friday).”

Subalit malaking kuwestiyon pa rin kung paano nilang mariresolb­a ang problema sa injured nilang big man na si Raymund Almazan na kitang-kita malaki ang naging epekto sa nakaraang dalawa nilang laban.

“We have to be careful with that. Mahirap kalabanin ang team na their backs are against the wall,” pahayag ni Kings ace guard at Ironman LA Tenorio.

“I think we still have a lot of things to look at in this game going into Game 5. Closing out the series is the really hard part, but we have to take a look at also kung kami naman yung nasa sitwasyon ng Meralco, ano yung gagawin nila sa amin. We just have to be ready.”

 ?? RIO DELUVIO ?? KINOMPLETO ni Justin Brownlee ang fast-break play sa isang dunk sa kainitan ng laro sa pagitang ng Ginebra at Meralco sa Game 4 ng PBA Governors Cup sa Araneta Coliseum. Nagwagi ang Kings, 94-72, para sa 3-1 bentahe sa best-of-seven championsh­ip.
RIO DELUVIO KINOMPLETO ni Justin Brownlee ang fast-break play sa isang dunk sa kainitan ng laro sa pagitang ng Ginebra at Meralco sa Game 4 ng PBA Governors Cup sa Araneta Coliseum. Nagwagi ang Kings, 94-72, para sa 3-1 bentahe sa best-of-seven championsh­ip.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines