Balita

R100-M BAWAT ARAW

Pagkain ng Taal evacuees

- Ni AARON RECUENCO

BATANGAS CITY – Tinatayang aabot sa P100 milyon kada araw ang nagagastos sa pagkain at inumin ng libulibong evacuee sa pagsabog ng Bulkang Taal, noong Enero 12.

Ito ang inihayag ni Batangas Governor Hermilando Mandanas, kahapon.

Pinagbatay­an aniya nito ang lumabas sa isinagawan­g assessment at computatio­n kamakailan sa tinatayang aabot sa 200,000 evacuees na nananatili sa mga evacuation center at sa 800,000 iba pa na nagpasyang makituloy sa kani-kanilang kamag-anak.

“We are spending P100 a day for each of the evacuee, that includes the food and water. But that is for the food alone, it does not include other basic needs like soap, toohpaste and others,” sabi nito.

Nauna nang sinabi ng gobernador na aabot sa isang milyong residente ang naapektuha­n ng pagsabog ng bulkan batay na rin sa pagtaya sa populasyon sa mga lugar na nasasakupa­n ng 14-kilometer radius danger zone.

Sa kasalukuya­n, ipinatutup­ad ng Provincial Government of Batangas ang mandatory evacuation sa nasabing danger zone na inilarawan­g unang maaapektuh­an ng inaasahang hazardous eruption ng bulkan.

Kabilang sa isinailali­m sa lockdown ang Talisay, Laurel, San Nicolas, Baletex Agoncillo at iba pang lugar sa Lemery, Taal, Sta. Teresita, Mataas na Kahoy, Lipa City at Tanauan City.

Nauna nang ipinagbawa­l ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagpapaira­l ng window hours para sa mga residente na nais bumalik sa kanilang lugar.

Umaasa ang opisyal na wala nang papasok sa nasabing mga lugar bunsod na rin ng pinaigting na implementa­syon ng nasabinng kautusan.

Nagbanta na rin kamakailan ang DILG na kakaladkar­in nila palabas ng danger zone ang mga residenten­g maghpupumi­lit magtungo sa kani-kanilang lugar.

“We are currently locating all the evacuees outside the evacuatuon centers to extend help to them because we believe that their relatives who opened their houses cannot sustain their daily needs,” aniya.

“We cannot just abandon them, they too are affected, they too need help,” sabi ng opisyal.

Nilinaw din nito na inaayos na nila ang pamamahagi ng relief goods sa bawat lugar kung saan namamalagi ang mga inilikas.

“This is to facilitate the distributi­on of food and other basic needs of the evacuees,” paliwanag ni Mandanas.

Sinabi rin nito na may mga patakaran silang sinusunod sa pamamahagi ng relief goods.

“Through this, we can be sure that the evacuees will not take advantage of the relief distributi­on system,” pahabol pa nito.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines