Balita

Maruming slaughterh­ouse, ipinasara

- Mary Ann Santiago

Isang slaughterh­ouse sa San Juan City ang sinilbihan ng closure order ng city government at ng Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR), dahil sa kawalan umano nito ng environmen­tal permits.

Mismong sina San Juan City Mayor Francis Zamora at DENR Secretary Roy Cimatu ang nagsilbi ng closure order sa Megga Foods and Stock Farm Incorporat­ed na matatagpua­n sa Barangay Kabayanan kahapon ng umaga.

Ayon kay Zamora, ang naturang establisim­yento ay walang water discharge permit at nagdi-discharge ng kanilang waste sa San Juan River.

Wala rin itong sanitary permit, at City Environmen­t and Natural Resources Office (CENRO) permit.

Sinabi ni Zamora na Oktubre pa nang padalhan nila ng show cause order o pagpaliwan­agin ang pamunuan ng naturang slaughter house ngunit bigo anilang magbigay ng paliwanag ang mga ito.

“Noong October, kami po ay nagbigay ng show cause order sa kanila para sagutin kung bakit wala sila ng mga permit na ito. Hanggang ngayon, hindi sila sumasagot,” ani Zamora, sa panayam ng mga mamamahaya­g.

“Blatantly, nagba-violate sila sa patakaran ng DENR kaya minabuti natin na isara na. Walang silang anumang communicat­ion. Ang dating nito sa atin ay wala silang pakialam na sinisita sila ng city hall. Wala silang effort na pumunta sa city hall para i-comply ang hinihingi namin,” dagdag pa ni Zamora.

“Very serious violation ito, wala silang wastewater discharge permit. Nagdi-discharge sila ng waste nila sa San Juan River. Pangalawa, wala silang environmen­tal permit natin. Wala rin silang sanitary permit,” aniya pa.

“Kaya sa araw na ito, isasara na po namin ang slaughterh­ouse na ito sapagkat hindi sila nakikinig sa patakaran ng pamahalaan­g lungsod,” dagdag pa ni Zamora.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni Cimatu na nakapipins­ala ang naturang slaughterh­ouse sa rehabilisy­on ng Pasig River at Manila Bay.

“Malaki and damage nito… Ito (waste ng slaughterh­ouse) tumapon na sa San Juan River. Pagbaba naman sa Pasig River, galing dito, nadadamay naman ang Pasig River. Dumadaan ho ito sa Manila Bay,” aniya pa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines