Balita

Villar, ‘di interesado na maging water distributo­r

- Argyll Cyrus B. Geducos

Hindi interesado ang pamilya Villar na maging water distributo­r sa Metro Manila sa gitna ng pangungumb­insi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa dalawang water concession­aire na pumirma ng bagong kasunduan kasunod ng pagkakadis­kubre sa onerous contract nito sa gobyerno.

Ito ang paglilinaw ni Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar.

“No,” sabi ni Villar nang tanungin ng mga mamamahaya­g sa isang pulong balitaan sa Malacañang, kahapon.

“I am in any position to answer questions regarding (the issue) as I have no involvemen­t. So I am in no position to any questions related to that,” paglalahad nito.

Nauna nang kumalat ang haka-haka na papalitan ng pamilya Villar ang dalawang water firms kapag natapos na ang kontrata ng mga ito sa 2022 kasunod na rin ng pagpuri ni Duterte sa nabanggit na pamilya dahil sa kanilang kasipagan.

Nitong nakaraang buwan, nagbitiw si Justice Undersecre­tary Emmeline Aglipay-Villar, asawa ni Mark, sa grupo na magiimbest­iga sa water concession agreements ng pamahalaan sa Maynilad at Manila Water dahil na rin sa conflict of interest.

“To eliminate any cloud of doubt on the impartiali­ty of the Department’s review and renegotiat­ion of the water concession agreements with the Metropolit­an Waterworks and Sewerage System that my affinity to the owners of the PrimeWater Infrastruc­ture Corp. has brought, I am inhibiting from any involvemen­t in the Department’s review and renegotiat­ion of the said agreements,” ang naging pahayag ng opisyal ng DoJ.

hey will cooperate with the government.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines