Balita

PH, negatibo sa bagong coronaviru­s

- Ni MARY ANN SANTIAGO

Nilinaw kahapon ni Health Secretary Francisco Duque III na maituturin­g pa ring ligtas mula sa bagong strain ng coronaviru­s o 2019-nCoV ang Pilipinas sa kanila ng naunang kumpirmasy­on ng Department of Health (DoH) na may 5-taong gulang na batang lalaki mula China na nagpositib­o sa “non-specific pancorona virus assay.”

Ipinaliwan­ag ni Duque na sa ngayon ay isolated pa lamang ang kaso ng bata, na dumating sa bansa noong Enero 12 at naka-confine sa isang ospital sa Cebu. “Yung bata po magaling na. Konting ubo wala na pong lagnat, ani Duque sa media forum sa Malate, Manila kahapon. “Kaya meron pa rin posibilida­d na baka hindi naman talaga ito posibleng novel coronaviru­s.”

“That only indicates that that the infection is a coronaviru­s and there are many coronaviru­ses that cause respirator­y infections­whichareve­rymild,”ipinaliwan­ag ni World Health Organizati­on (WHO) Country Representa­tive to the Philippine­s Dr. Rabindra Abeyasingh­e.

Ang nanay ng bata, na isa sa mga katabi niya sa eroplano ay maayos ang kondisyon at walang nakitang sintomas dito. Naka-isolate na rin ang mga doktor at nurse na sumuri sa bata bilang bahagi ng protocol.

Sa ngayon ay wala pang dapat ikaalarma ang publiko, ayon kay Duque.

“Not at this point because this positive test from our RITM (Research Institute for

Tropical Medicine) simply is for the nonspecifi­c pancorona virus. Nothing definite as of now,” aniya.

“The situation continues to evolve and you don’t know how these things [will] turn out at each corner. Let’s be prudent,” dagdag niya.

Paalala ni Duque, mahalaga ang proper hygiene upang makaiwas sa anumang sakit.

Ugaliing maghugas ng kamay, ng hanggang 20 segundo; gumamit ng tissue o panyo na pantakip sa bibig kung uubo o babahing, at kung nasa confined space gaya ng elevator at may umubo, pigilin muna ang paghinga o mag-exhale. Maaari ring magtakip ng ilong at bibig.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines