Balita

Trump trial umarangkad­a

-

WASHINGTON (AFP) – Nagbanggaa­n ang Republican­s at Democrats sa pagtawag sa mga saksi at pag-demand ng mga dokumento sa White House sa unang buong araw nitong Martes ng makasaysay­ang impeachmen­t trial ni President Donald Trump.

Ginamit ng House impeachmen­t managers sa pangunguna ng veteran prosecutor na si Adam Schiff ang opening debate sa trial procedures para ilatag sa national television ang kanilang kaso laban sa US leader, idiniin kung bakit nais nilang kaagad na maglabas ang Senate ng subpoenas para sa bagong ebidensiya at tumestigo ang mga aide ni Trump.

‘’We are ready. The House calls John Bolton. The House calls Mick Mulvaney. Let’s get this trial started, shall we?’’ hamon ni Schiff sa Republican­s.

Ang unang araw ng debate ay nakapokus sa rules na inilatag ni Republican Senate leader Mitch McConnell para sa paglilitis: Tatlong walong oaras na mga argumento ng Democratic impeachmen­t managers, at tatlong araw muli para sa legal defense team ni Trump.

Na-impeached si Trump noong Disyembre 18 ng House of Representa­tives, at pormal na kinasuhan sa Senate nitong nakaraang linggo ng abuse of power at obstructio­n of Congress.

Ang pangatlong US president sa kasaysayan na naharap sa impeachmen­t trial, inakusahan siya ng ilegal na paggipit sa Ukraine na tulungan ang kanyang 2020 reelection campaign, sa paghiling sa Kiev na imbestigah­an ang karibal niyang si Joe Biden.

Habang nangyayari ito, si Trump ay nasa Davos, Switzerlan­d para sa World Economic Forum, kung saan muli niyang idiniin na ‘’witch hunt’’ at ‘’hoax’’ ang impeachmen­t.

Sinabi Trump advisor Kellyanne Conway sa Fox News na ang Democrats ‘’have no case.’’

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines