Balita

Experts nagbabala ng mutation sa 2019-nCoV

-

BEIJING (AFP, AP Reuters) — Nagbabala ang China nitong Miyerkules na ang SARS-like virus na pumatay na ng siyam katao, humawa sa daan-daang iba pa, at kumalat sa ibang bansa ay kayang mag-mutate, habang sinisikap ng mga awtoridad na mapigilan ang pagkalat ng sakit sa Lunar New Year travel season.

Ikinabahal­a ang bagong coronaviru­s dahil sa pagkakatul­ad nito sa SARS (Severe Acute Respirator­y Syndrome), na pumatay ng halos 650 katao sa mainland China at Hong Kong noong 2002-2003.

“There has already been humanto-human transmissi­on and infection of medical workers,” sinabi ni National Health Commission vice minister Li Bin sa news conference sa Beijing. “Evidence has shown that the disease has been transmitte­d through the respirator­y tract and there is the possibilit­y of viral mutation.”

Kahapon ay nagdaos ang World Health Organizati­on (WHO) ng emergency meeting para tukuyin kung kailangan nang magdeklara ang global public health emergency sa sakit, na nadetect na rin sa United States, Taiwan, Macau, Thailand, Japan at South Korea.

Inihanay ng Chinese government ang outbreak sa parehong kategorya ng SARS epidemic, na nangangahu­lugan ng compulsory isolation para sa mga nahawaan ng sakit ay posibleng magpatupad ng quarantine measures sa biyahe.

Ngunit kailangan pa nilang kumpirmahi­n kung ano ang eksaktong pinagmulan ng virus, na humawa na sa 440 katao at 13 probinsiya at munisipali­dad.

“We will step up research efforts to identify the source and transmissi­on of the disease,” ani Li

Kinumpirma ng isang kilalang eksperto sa National Health Commission ng China nitong linggo na ang virus ay naisasalin ng tao sa tao.

Gayunman, ang mga hayop ang pinaghihin­alaang pangunahin­g pinagmulan ng outbreak, dahil ang seafood market kung saan ibinebenta ang mga buhay na hayop sa central city ng Wuhan ang natukoy bilang ground zero ng virus.

Pinaiigtin­g na ng mga bansa ang mga pagsisikap na mapigilan ang pagkalat ng pathogen – kilala sa technical name nitong 2019 Novel Coronaviru­s (2019nCoV) – sa pagtaas ng bilang ng mga kaso, na nagpatindi sa mga pangamba sa gitna ng pagdiriwan­g Lunar New

Year, kung kailan daan-daang milyong Chinese ang bumibiyahe sa bung bansa para magdiwang kasama ang kanilang mga pamilya.

UNANG KASO SA US, MACAU

Inanunsiyo ng US health authoritie­s nitong Martes ang unang kaso ng isang tao sa American soil na nahawaan ng 2019-nCoV, at pinaigting ang health screenings sa paliparan.

Ang lalaki, 30-anyos na residente ng Seattle, ay nasa maayos na kondisyon, ayon sa federal and state officials.

Siya ay “hospitaliz­ed out of an abundance of precaution, and for short term monitoring, not because there was severe illness,” sinabi ni Chris Spitters, Washington state health official.

Pumasok siya sa US noong Enero 15 mula Wuhan, ngunit hindi bumisita sa seafood market na sentro ng outbreak.

Kahapon, kinumpirma rin ng gambling hub ng Macau ang unang kaso nito ng 2019-nCoV.

Ang pasyente ay isang 52-anyos

na babae, na naging turista sa Wuhan at ipinasok sa ospital nitong Martes ng hapon.

Naglabas na ang gobyerno ng Macau ng prevention guidelines sa mga eskuwelaha­n at iba pang social service institutio­ns, at pinaigting temperatur­e screening sa maritime terminals at landbased checkpoint­s.

DOKTOR NAHAWAAN

Samantala, isang Chinese physician na nag-iimbestiga sa outbreak ang mismong nahawaan ng2019-nCoV.

Si Wang Guangfa, pinuno ng Department of Pulmonary Medicine sa Peking University First Hospital ng Beijing, ay bahagi ng team of experts na bumisita sa Wuhan kamakailan.

Iniulat ng Chinese state television kahapon na si Wang ay ginagamot sa isolation simula nitong Martes, dahil nahawan siya ng bagong coronaviru­s.

“I was diagnosed and my condition is fine,” ani Wang sa Hong Kong’s Cable TV nitong Martes.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines