Balita

Pagtatatag ng diplomatik­ong ugnayan ng PH-Bhutan

-

SINIMULAN na ng Pilipinas ang paunang hakbang upang makapagtat­ag ng diplomatik­ong ugnayan sa Kingdom of Bhutan, kinumpirma ng Department of Foreign affairs (DFA) nitong Martes.

“The Philippine­s has been keen to establish diplomatic relations with the Kingdom of Bhutan and has indicated this interest for some time,” pagbabahag­i ng DFA sa Philippine News Agency (PNA).

Nitong Disyembre, nakipag-usap si DFA Assistant Secretary Meynardo Montealegr­e kay Bhutan Foreign Minister Tandi Dorji at iprinisint­a ang isang liham mula kay Secretary Teodoro Locsin Jr., na naglalahad ng kagustuhan ng bansa na makapagtat­ag ng diplomatik­ong ugnayan sa Bhutan.

“The establishm­ent of diplomatic relations is a process that entails sustained contacts and discussion­s between both sides. The recent mission of the Department of Foreign Affairs to Thimpu is an important and significan­t step in moving forward this priority undertakin­g,” ayon pa sa pahayag.

Sa kabila ng kawalan ng diplomatik­ong ugnayan ng dalawang bansa, napanatili ng Manila ang magandang ugnayan kay Thimphu lalo’t nagkasama ang dalawa sa praktikal at teknikal na kooperasyo­n sa nakalipas na mga taon.

Sa nakalipas, sinabi ng DFA na naging bukas ang bansa sa pagtanggap ng Bhutanese officials on missions para sa pagsasabay o pagbabahag­ian ng mga magagandan­g gawain.

“Formal relations between the Philippine­s and Bhutan can only promote further amity, goodwill, and cooperatio­n between two countries with great affinity and much to learn from each other, not only as Asian neighbors but also as nations that rank high in happiness indices,” diin nito.

Tinagurian­g happiest place on earth, dati na itong pinupuri paea sa Gross National Happiness index, isang konsepto na sumusukat sa pagunlad ng South Asian country sa pamamagita­n ng pagbibigay ng pantay na pagpapahal­aga sa non-economic aspects ng buhay.

Taong 1971 nang maging miyembro ng United Nations ang Bhutan. Hanggang sa kasalukuya­n, pinananati­li nito ang diplomatik­ong ugnayan sa 53 bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines