Balita

Evacuation Centers

- Erik Espina

NOONG 1986, isa ako sa halos 10 Pilipino nagawaran ng pakilala ng U.S., partikular ng State Department, upang makapag-aral doon. Kasama sa aming asignatura ang masaksihan ang iba’t ibang uri at antas ng pamahalaan, halimbawa ang County, Commission, State, at Federal Government. Sa Maui Hawaii, doon ko naunawaan ang estilo ng kanilang gobyerno. Nagugunita ko ang taga-pamahala ng water district nila, na isang Pinoy, si Vince Bagoyo. Ipinakita din sa akin ng Alkalde (Hannibal Tavares) ang kanilang nakahandan­g evacuation centers na may gusali para sa Command Center at Operations Office kung saan makikita ang maraming natutulog na telepono, computers, monitors, conference room, at iba pa. Sa labas makikita naman ang mga nakaparada­ng trak ng bumbero, ambulansiy­a, at iba pang sasakyan para sa rescue operasyon sa kaso ng kalamidad. Katabi nito, ang isang warehouse na kasing lawak ng 4-5 basketball court. Andyan ang patong-patong na kumot, de lata, ready to eat meals, gamot, tents, folding mats at beds na naka-plastic o kahon pa. Nakahanda ang lahat, sakaling kailangani­n. Sadyang ligtas na lokasyon ang evacuation na may tamang distansya sa city hall.

Kaya noong ituro ako ni Presidente Rodrigo Duterte na maging Cebu City Councilor, ang pagtatayo ng mga evacuation centers ang naging prioridad na programa ko kasama ang Cebu City College/University. Bilang isa sa pinakamaya­mang lungsod ng Pilipinas, at kada-taon maraming sunog nagaganap, hindi na pwede ang “kuno” na evacuation centers – basketball/volleyball court, paaralan, at simbahan. Hindi rin maaari ang multi-purpose gym na walang banyo o dalawa lang ang palikuran. Mungkahi ko noon ang panimulang pagtatayo ng 2 Evacuation Centers. Dagdag pa ang 10 paliguan, palikuran, mga portalets, labahan, sampayan, kusina sa labas, generator at tangke ng tubig din. Nagugunita ko, na isang konsehal pa ang nakipag-debate sa akin, “masasayang at masisira lang ang naka-handang de-lata at noodles. Tsaka na lang daw bumili.” ‘Di ko na pinatulan dahil sa Cebu City palaging may sunog, at ang expiration ng pagkain ay 6 na buwan hanggang ilang taon. Ibig sabihin, talagang may paglalaana­n.

Kaya naman saludo ako kay Presidente Digong sa kanyang bagong utos sa mga bayan (LGU) na magpatayo ng evacuation centers. Matuto tayo pagkatapos ng Taal Volcano.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines