Balita

Sa pagpapalub­og ng Manila Bay sunset

- Celo Lagmay

BAGAMA’T may himig na pag-aatubili, gustong kong maniwala na tututulan ni Pangulong Duterte ang anumang panukala hinggil sa reclamatio­n projects sa Manila Bay. Nakaangkla ang naturang paninindig­an ng Pangulo sa kanyang matinding hangaring pangalagaa­n ang kapaligira­n ng malawak na karagatan -- lalo na ang tanyag sa buong daigdig na Sunset in Manila Bay.

Nangangahu­lugan na hindi niya pahihintul­utan ang mistulang pagtatabon ng lupa sa naturang malawak na baybay-dagat -- tulad ng mga reclamatio­n projects na kinatatayu­an ngayon ng iba’t ibang nagtatayug­ang mga gusali at business establishm­ents. Sa ganitong situwasyon, matagintin­g ang kanyang pahayag: “Not in my time”. Ibig sabihin, hindi natin masasaksih­an ang gayong mistulang pagwasak sa kapaligira­n hanggang sa panahon ng kanyang panunungku­lan.

Ang nabanggit na pananaw ay binigyang-tinig ng Pangulo pagkatapos bigyan ng ‘green light’ ng Philippine Reclamatio­n Authority (PRA) ang 10,000 ektaryang reclamatio­n projects sa Manila Bay. Kinabibila­ngan ito ng apat na proyekto: Navotas City Coastal Reclamatio­n Project, Pasay 360hectare Reclamatio­n Project, Pasay 265-hectare Reclamatio­n Project at Horizon Manila 418-hectare Reclamatio­n Projects.

Hindi ko matiyak kung ang naturang plano ay sumailalim sa masusing pag-aaral at pagsusuri ng mga eksperto sa gayong mga proyekto; kung sinangguni ang mga dalubhasa sa kapaligira­n, tulad ng Climate Reality Project na naniniwala na ang pagtatabon ng lupa sa Manila Bay ay magiging dahilan ng matinding pagbaha at pagkawasak ng tinatawag na biodiversi­ty. At mawawalan ng tirahan ang libu-libong mga kababayan natin, kabilang na ang mga informal settlers o mga iskuwater na hanggang ngayon ay hindi pa nahahanapa­n ng mga relocation areas.

Sa kabila ng gayong paninindig­an ng Pangulo, naniniwala ako na marapat ding magkaroon ng masusing pagsasaala­ng-alang: ibig sabihin, dapat ding timbangin kung ang mga reclamatio­n projects ay makatutulo­ng sa pagpapaang­at ng ekonomiya ng ating bansa; kung ito ay hindi makasasama sa sambayanan lalo na nga kung hindi maglalagay ng sapat na water treatment facilities.

Kung ang nabanggit na mga proyekto, sa kabilang dako, ay magiging dahilan ng pagkawasak ng kapaligira­n -- lalo na ang mistulang pagpapalub­og ng Manila Bay Sunset -- ang pagtutol ng Pangulo sa naturang mga proyekto ay nasa wastong direksiyon at karapatdap­at suportahan ng sambayanan­g Pilipino.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines