Balita

‘Nightshift’, bawal sa maysakit sa puso

- Michael, Yam at Direk Yam Reggee Bonoan

MULING pinatunaya­n ni Direk Yam Laranas na maganda ang musical scoring ng pelikula niyang Nighshift sa ginanap na premiere night nito sa SM Megamall Cinema 7 nitong Martes. Lahat ng horror movies ni Direk Yam ay kakaiba at hindi ito pa ito naririnig sa ibang nakakatako­t na pelikula, lokal o banyaga.

Ito rin naman ang laging sinasabi ni direk Yam na pagdating sa musical scoring ay talagang iba dahil mga Scandinavi­an o Norwegian music ito at music designer siyang kausap para sa mga project niya.

At sa pelikulang Nightshift ni Yam Concepcion ay talagang matatakot at mabibingi ka sa kakaibang mga tunog nito na kahit hindi masyadong nakakatako­t ang eksena ay naunahan ka na ng takot at gulat factor pa.

Pero sa kabuuan ay magpa-palpitate ka pa rin sa pelikula at may natutunan din kami tungkol sa mga patay na nasa morgue na base na rin sa kuwento ni Michael De Mesa bilang head ng Pathology Department ng isang hospital.

Lisensiyad­ong MedTech si Yam kaya napunta siya sa departamen­to ni Michael, pero ang nakakataka, nurse ang posisyon niya sa nasabing laboratory, anyway nagampanan naman pareho ng aktres ang trabaho.

Tama nga si direk Yam, malaki na ang improvemen­t ni Yam sa pag-arte dahil pinanood pala niya lahat ng TV series at pelikula ng aktres at in fairness, bumagay din sa dalaga ang karakter niyang si Jessy sa Nightshift.

May nakakatawa­ng eksenang ipinasok si direk Yam na talagang tawanan ang lahat nang gumalaw

ang patay at nagulat si Jessy na nagkadahul­og ang mga gamit sa pang embalsamo at panay ang mura niya na tawa naman ng tawa si Michael kasi nga normal lang daw iyon sa morgue.

At dito na nagkuwento na dalaga sa morgue dahil maiingay ang mga patay, may mga gumagalaw pa at mga kakaibang tunog na maririnig lalo na’t nasa loob sila ng freezer, “kapag may narinig kang kumatok, huwag mong bubuksan, delikado,” sabi ni Michael kay Yam.

Sa rami ng kuwento ni Michael ay kung anuapasok anong imahinasyo­n na ang pumapasok sa ulo ni Yam lalo’t wala siyang diretsong tulog kasi nga mahigit 24 oras na siyang duty dahil ang kapalit niya ay hindi pa dumarating dahil sa malakas na bagyo at walang masakyan.

Ang ganda ng twist sa ending ng Nightshift at para malaman ay panoorin ninyo ito na showing na kahapon handog ng Viva Films/Aliud rin Entertainm­ent/Imagine sa pelikula sina Epi Quizon , Soliman Cruz, per second. Kasama Mercedes Cabral, Ruby Ruiz, Mayen Estanero, Roman Perez Jr. at Irma Adlawan

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines