Balita

‘Beautiful Justice’, magwawakas na rin

- Nora V. Calderon

MAY natutunan sina Yasmien Kurdi, Gabbi Garcia at Derrick Monasterio sa pagganap nila bilang mga agents ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA). May nabago ba sa perception nila sa mga men and women of PDEA?

Gabbi: “I have high respect for them. Not only for their commitment on their jobs but for their huge heart for our country.”

Derrick: “The whole meaning of the show is women empowermen­t. And basically, women can also do what men can do. Treat women with love and respect.”

Yasmien: “PDEA agents sacrifice their lives for the betterment of our country. They suffer, devote and provide social justice by sacrificin­g even their own lives for our safety. I look up to them with so much respect, and I salute them with pride and honor for they do great things to our country.”

Marami rin daw silang na-realize habang ginagawa nila ang “Beautiful Justice.” Na kahit babae, matatapang din sila not only physically but mentally and emotionall­y din. Kung gaano rin kahalaga ang mga kaibigan at pamilya mo sa oras ng pangangail­angan. Kay Yasmien, makikita raw kung gaano kahalaga ang pagiging mapagpataw­ad ng isang tao kaysa mapaghigan­ti. At ang mahalaga sa lahat ay ang maging mapagmahal ang isang tao at ipaglalaba­n mo siya kung mahal mo siya.

Pero hindi rin malilimuta­n ng buong cast kapag allstar cast ang shoot nila dahil ang gugulo nila na madalas nauuna pa ang tawanan at daldalan nila kaysa sundin nila ang instructio­ns ni Direk Mark Reyes. At hindi rin nila malilimuta­n kung gaano sila naging close sa isa’t isa, na sabay-sabay silang kumakain at kapag free breaks nila, kumakain sila sa labas. At sa shoot, kapag barilan scenes na ng PDEA at sindikato, pakiramdam nila nasa war zone sila at totohanan ang nangyayari.

Grand finale na ng Beautiful Justice sa Friday, January 24, pagkatapos ng 24 Oras. Kasama rin sa cast sina Bea Binene, Gil Cuerva, Victor Neri, Bing Loyzaga, Valeen Montenegro.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines