Balita

Jay Manalo, ‘hot lolo’ at 47

- Nitz Miralles

NAKAKATUWA ang sagot ni Jay Manalo kung bakit at 47 years old ay lolo na siya at tatlo na ang apo sa dalawang anak na nag-asawa. Maaga raw lumandi ang kanyang anak na lalake (panganay) at ang anak na babae (pang-apat), kaya maaga siyang nagka-apo.

Biglang kambiyo si Jay sa sinabing, “biro lang ‘yun, ginaya lang nila siguro ako na maaga ring nag-asawa. Ang maganda sa mga anak ko, tinapos muna nila ang kanilang pag-aaral bago nag-asawa at maayos na nagpaalam, bakit ko pipigilan,” sagot ni Jay.

Ipinagmama­laki ni Jay ang 12 children na ang pinakabuns­o ay one year old. “Mainit kasi ang misis mo,” muli nitong pagbibiro. “Pero hanggang 12 na lang ang mga anak ko, hindi ko na dadagdagan, tama na ‘yun,” patuloy ni Jay.

Hindi na namin tinanong si Jay kung ilan ang nanay ng 12 kids niya at baka hindi magustuhan ang aming tanong. Ang napansin lang namin, puno ng pictures ng mga anak ang kanyang Instagram (IG) at ngayon, kasama na rin sa kanyang pino-post ang tatlong apo. Anyway, wala sa hitsura ni Jay na 47 years old na siya at may tatlong apo na, active pa rin siya sa showbiz at katunayan, kasama sa cast ngAnak ni Waray vs. Anak ni Biday bilang si Joaquin na pag-aagawan ng magkaibiga­ng Amy (Snooky Serna) at Sussie (Dina Bonnevie). Sa direction ni Mark Sikat dela Cruz, magpa-pilot ang show sa January 27, kapalit ng Beautiful Justice.

Wala lang naniwala kay Jay na in real life, hindi siya naging dahilan nang pag-aaway ng mga babae, lalo na magkaibiga­ng babae.

“Wala talagang babaing nag-away dahil sa akin, lalo na magkaibiga­n. Hindi ko rin naman gagawing ligawan ang magkaibiga­ng babae. Maniwala kayo,” sabi ni Jay.

 ??  ?? Jay
Jay

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines