Balita

Dina Bonnevie, dating may kaalitang kaibigan nagkatraba­ho ni Snooky. After a long time hindi rin ako nakagagawa ng comedy, kaya kakaiba ang project namin at hindi ko kailangang umiyak nang umiyak, palaban ang character ko rito. Kaya nagpapasal­amat din ako

- Ni NORA V. CALDERON

UNANG bagong primetime series ng GMA Network ang most sensationa­l rivalry sa pagitan ng friendstur­ned-mortal enemies mula sa dalawang regions ng Pilipinas, ang TV adaptation ng 1984 hit movie ng Regal Films, ang Anay ni Waray Vs. Anak ni Biday.

Gaganap dito sina

Snooky Serna as Amy ang Waray at Dina

Bonnevie as Sussie, ang Biday. Magiging reunion project ito nina Snooky at Dina na dating mga Regal babies.

Walang problema si Dina na magsalita ng Ilocano dahil wife siya ngayon ng Congressma­n ng Ilocos Sur, si Deogracias Victor Savellano, kaya niya tinanggap ang role bilang isang Ilocano.

“Adopted daughter na kasi ako ng Ilocos Sur at isang magandang way ito para mai-promote ko ang Ilocos,” sabi ni Dina sa mediacon ng serye. “Hindi man ako masyado pang bihasang magsalita ng Ilocano, pero nagamit ko na rin ito noong kampanya, kumanta at nagsalita ng Ilocano, hindi na nga ako pwedeng iligaw kapag may kausap akong Ilocano dahil naiintindi­han ko ang dialect.

“Tinanggap ko rin ang serye dahil matagal na kaming hindi nagkaroon kami ng hindi pagkakasun­do dahil din sa isang lalaki. Tumagal din iyon until muli kaming nagkausap at nagkaintin­dihan. She is a great mother to her son and she is very successful now. Dahil sa kanya naging Christian ako.”

Open book naman ang buhay ni Dina at tiyak na alam na ninyo kung sino siya, kahit hindi niya binanggit ang name ng kanyang best friend ngayon.

Ang “Anak Ni Waray Vs. Anak ni Biday” ay sa direksyon ni Mark

Sicat dela Cruz at world premiere na simula sa Lunes, January 27, gabigabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

 ??  ?? Dina
Dina

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines