Balita

Ika-17 labas

- R.V. VILLANUEVA

KAHIT natitiyak ni Tandang Mundong na nasa natatanaw pa niyang burol at gubat ang mga kinatataku­tang nilikha mula sa daigdig ng kababalagh­an sa kanilang barangay, wala siyang naramdaman takot at pangamba. Payak lamang ang dahilan, naniniwala pa rin ang matandang albularyon­g hanggang sa kasalukuya­n, hindi pa rin nakikialam ang mga nilikhang ito kung hindi bubulabugi­n ng tao ang tirahan at ginagalaan­g lugar sa barangay sa pagsapit ng dilim. Matapos kumain ng hapunan, sa balkon ng lumang-lumang bahay ng angkan nila, pinalipas ni Tandang Mundong at mag-asawang Rolan at Lyka ang sandali hanggang kumalat ang dilim.

At dahil hindi pa rin nakakarati­ng ang proyektong pailaw ng gobyerno sa lumang bahay ng kanilang angkan, nananatili­ng gasera ang kanilang tanglaw. Matapos ang saglit na pag-uusap, inilabas ni Rolan ang nakaimbak niyang barikolkol na nasa boteng long neck namay babad na ubas at langkapara pasarapin at pabanguhin ang aroma ng inuming nakakalasi­ng.

“Tig-isa tayo ng baso, Rolan,” wika ni Tandang Mundong. “Hindi na ako ngayon makakasaba­y sa iyo sa pag-inom dahil hindi na ako tulad ng dating malakas uminom.”

“Kayo hong bahala, Lolo Mundong,” sagot ni Rolan. “Mas maganda nga ho kung dahan-dahan ang inom natin dahil mananamnam natin ng husto ang lasa ng alak.”

“Tama ka, kaya gano’n na ang ginagawa ko ngayon,” wika ni Tandang Mundong. “Hindi tulad noong bata pa ako, panay ang inom at papak ng pulutan.”

“Tutuong-tutuong ho talaga ang kasabihang walang bagay at pangyayari sa mundong hindi nagbabago,” wika ni Rolan. “Talagang nagbabago ang lahat ng bagay at pangyayari sa paglipas ng panahon.”

“Tutuo ang sinabi mong ‘yan, apo” sagot ni Tandang Mundong. “Talagang nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay at pangyayari sa mundo para patuloy na magbago.”

At habang nagkukuwen­tuhan sa iba’t ibang bagay at pangyayari­ng naganap sa barangay Alagaw sa dalawang taong pagkawala ni Tandang Mundong, patuloy si Rolan at ang matandang albularyo sa pag-inom ng alak na barikolkol at pagpapak ng pulutang inihaw na hito. Dahil wala sa kondisyon para uminom, nanatili si Lyka sa kuwartong nakalaan sa kanila ng asawa sa lumang-lumang bahay paramakini­g ngpanggabi­ng programa sa transistor radio na paborito niya kapag sasapit ang dilim. Mauubos na ang alak na barikolkol, ng makarinig sila Rolan at Tandang Mundong ngmalakas na iyak at paghingi ng tulong mula sa malawak na bakuran ng lumangluma­ng bahay. At sa muli pang pag-alingawnga­w ng ingay, natiyak ng dalawang nagmula ang tinig sa batang babaing takot na takot kaya humihingi ng tulong. Magkasunod na mabilis na bumaba sa bahay sila Tandang Mundong at Rolan para hanapin at saklolohan ang batang babaing natitiyak nilang nasa malawak na bakuran ng

lumang-lumang bahay ng kanilang angkan.

“Allea?” Wika ni Tandang Mundong na nakatutok ang flashlight sa batang babaing umiiyak at humihingi ng tulong.

“Ako nga po, Lolo Mundong,” sagot ni Allea na takot na takot at umaagos ng luha sa magkabilan­g pisngi. “Pumunta po ako dito sa inyo dahil may masamang nangyari sa bahay namin!”

“Ano’ng masamang nangyari?” Tanong ni Tandang Mundong.

“Bigla hong may dumating na tatlong lalaking may takip sa mukha at armado ng itak sa aming bahay,” sagot ni Allea. “Galit nagalit ho sila at nagbabanta­ng papatayin sila itay at inay.”

“Haa?” Gulat at hindi makapaniwa­lang wika ni Tandang Mundong. “Diyos na mahabagin, sino ang mga lalaking ‘yun at bakit galit na galit kina Horacio.”

“Allea, halika ka na sa itaas ng bahay, doon mo na ituloy ang kuwento sa nangyari,” suhestyon ni Rolan. “Walang dapat makakitang nandito ka, baka may kasama ang mga lalaking ‘yun at hinahanap ka.”

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines