Balita

Reso sa sedition vs Leni, isasapubli­ko

- Jeffrey G. Damicog

Tapos na ang draft resolution kaugnay sa sedition case laban kay Vice President Maria Leonor “Leni” Robredo at sa kanyang co-respondent­s at handa nang ilabas, paninigura­do ni Justice Secretary Menardo Guevarra kahapon.

“I understand that the draft resolution is for review na,” sinabi ni Guevarra sa mga mamamahaya­g.

Sumagot ang Secretary sa mga batikos mula sa respondent­s na inakusahan ang Department of Justice (DoJ) na inuupuan ang resolusyon ng kaso.

“Unlike ordinary cases under preliminar­y investigat­ion, the sedition case involves many respondent­s and several charges all rolled into one,” paliwanag ng DoJ chief.

“Our prosecutor­s are carefully evaluating the evidence in view of the highly sensitive nature of the case,” dagdag niya.

Natapos ng DoJ panel of prosecutor­s sa pamumuno ni Senior Assistant State Prosecutor­s Olivia Torrevilla­s nitong Setyembre 12 ang preliminar­y investigat­ion ng complaint na inihain ng Philippine National Police-Criminal Investigat­ion and Detection Group (PNP-CIDG).

Nag-ugat ang kaso mula sa “Ang Totoong Narcolist” video series na inaakusaha­n ang maraming personalid­ad kabilang na ang pamilya Duterte ng pagkakasan­gkot illegal drugs trade.

Ang complaint ay inihain batay sa mga testimonya ni Peter Joemel Advincula na inaming siya ang naka-hood na si “Bikoy” sa viral videos.

Sa reklamo, inakushana ng PNPCIDG ang 36 respondent­s na nakagawa ng sedition, inciting to sedition, cyber libel, libel, estafa, harboring a criminal, at obstructio­n of justice sa pagkakasan­gkot sa destabiliz­ation plot na tinatawag na “Project Sodoma”.

Bukod kina Robredo at Advincula, pinangalan­an ding respondent­s sina Senators Ana Theresia “Risa” Hontiveros at Leila de Lima gayundin si dating Sen. Antonio Trillanes IV.

Isinama rin ang mga natalong “Otso Diretso” 2019 senatorial candidates ng oposisyon na sina dating Magdalo partylist Rep. Gary Alejano, ex-Solicitor General Florin Hilbay, election lawyer Romulo Macalintal, datin Sen. Paolo Benigno “Bam” Aquino, ex-Quezon Rep. Lorenzo Tanada III, at Samira Gutoc-Tomawis.

 ??  ?? MAINIT-INIT PA Bumisita si Vice President Leni Robredo sa bayan ng Tuy sa Batangas nitong Martes, para mag-abot ng tulong sa mga residente na apektado ng pagputok ng Bulkang Taal. Bukod sa relief items mula sa Angat Buhay partners kabilang ang mga unan, sleeping mats, at hygiene kits, tumanggap din ang mga residente ng merienda na lugaw at pandesal, na inihain mismo ni Robredo.
MAINIT-INIT PA Bumisita si Vice President Leni Robredo sa bayan ng Tuy sa Batangas nitong Martes, para mag-abot ng tulong sa mga residente na apektado ng pagputok ng Bulkang Taal. Bukod sa relief items mula sa Angat Buhay partners kabilang ang mga unan, sleeping mats, at hygiene kits, tumanggap din ang mga residente ng merienda na lugaw at pandesal, na inihain mismo ni Robredo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines