Balita

Ex-solon murder case SOLVED NA

- Ni AARON B. RECUENCO at FER TABOY

Pinaniniwa­laan ng mga awtoridad na nalutas na ang kaso ng pagpatay at panununog kay dating Batangas Rep. Edgar Mendoza at sa dalawang iba pa sa Tiaong, Quezon, kamakailan.

Ito ay matapos ituro ng apat na naarestong suspek ang dalawang convicted inmate sa New Bilibid Prisons (NBP) bilang mga principal suspect sa krimen, ayon kay Criminal Investigat­ion and Detection Group (CIDG) chief, Brig. Gen. Joel Napoleon Coronel, kahapon.

Binanggit ni Coronel na ang dahilan ng pagpatay kay Mendoza ay pagkakauta­ng ng milyungmil­yon ng principal suspect na si Sherwin Sanchez sa nasabing dating mambabatas.

Ang nasabing utang aniya ay kabayaran ni Mendoza sa iba’t ibang legal services nito kay Sanchez dahil sa pagiging abogado nito.

Ipinapatay aniya ni Sanchez si Mendoza upang hindi na nito bayaran ang nasabing utas.

“The two other companions of Attorney Mendoza were collateral­s,” sabi ni Coronel na ang tinutukoy ay driver na si Nicanor Mendoza at ang bodyguard na si Ruel Ruiz.

Sinabi ni Coronel na nagsilbing abogado ni Sanchez si Mendoza mula nang kasuhan ang una ng murder kung saan ito nahatulang makulong noong 2015.

Hinawakan din aniya ni Mendoza ang mga kaso ni Sanchez kung saan kabilang ang mga financial transactio­n nito at usapin sa lupain nito.

Nilinaw ni Coronel na kokolektah­in sana ni Mendoza ang milyung-milyong legal fees kay Sanchez noong Enero 8 nang mapaslang ito, kasama ang driver at bodyguard nito.

Natukoy sa imbestigas­yon ng

CIDG, humingi ng tulong si Sanchez sa kasamahang preso na si Arthur Fajardo upang mapaslang si Mendoza upang hindi na nito bayaran ang multi-milyong utas nito sa kanya.

Naiulat na nainip na si Sanchez sa umano’y hindi natupad na pangako ni Mendoza na mapapalaya ito sa pagkakakul­ong.

Naging magkaibiga­n aniya sina Sanchez at Fajardo mula nang sila ay makulong noong 2015.

Si Fajardo ay nahatulang makulong bilang lider ng notorious na Fajardo kidnap-for-ransom group.

Pumayag aniya si Fajardo at inatasan nito ang asawa upang maisagawa ang pagpatay.

Kasama sa plano na papuntahin si Mendoza sa bahay ng pamilya Fajardo sa isang subdivisio­n sa Calamba City, Laguna upang palabasin na magbabayad na si Sanchez sa naturang lugar.

Bago pa maideklara­ng nawawala si Mendoza, sinabi ng pamilya nito sa pulisya na nagpaalam ito na makikipagk­ita ito sa kanyang kliyente sa Calamba City kung saan nagsimula ang paggulong ng imbestigas­yon ng mga awtoridad sa kaso.

Inatasan ng asawa ni Fajardo na si Jael ang dalawa niyang katulong na sina Kristine Fernandez at Madonna Palermo na bigyan ng kape na nilagyan ng sleeping tablet ang grupo ni Mendoza.

Nang makatulog tatlong biktima, pinagpapal­o ito ng matigas na bagay ni Rodel Mercado na umano’y pinsan ni Sanchez.

“When the victims were being transporte­d to Tiaong, Quezon where their bodies were burned, they were already dead,” sabi ni Coronel.

Gayunman, habang patungo sa Tiaong ang mga ito ay pinagsasak­sak ni Mercado ang tatlo at nang makarating sila sa lugar at sinunog na ang mga ito sa backseat ng kotse.

Ipinaliwan­ag ni Coronel na nagawa nilang mabuo ang kaso ng pagpaslang kay Mendoza sa tulong ng text message ng pamilya nito.

Binigyang-diin ni Coronel na naging maganda ang paghawak nila sa kaso nang matunton nila ang bahay ni Fajardo kung saan naiulat na nagtungo ang dating mambabatas bago matagpuan ang nawawalang bangkay nito, kasama sina Mendoza at Ruiz.

Nakumpirma rin ng pulisya na pumasok sa subdivisio­n ang grupo ni Mendoza nang mag-iwan ng driver’s license si Mendoza sa gate bago pumasok sa lugar.

Sinabi ni Coronel na nagsabi ng kanyang nalalaman ang isa sa katulong nang isailalim sila sa imbestigas­yon kung saan binanggit ang pangalan nina Mercado, Carlo Acuna at Erickson Balbastro.

Sa pagsisiyas­at, natukoy na sina Acuna at Balbastro ay kasama sa pagbibiyah­e ng mga bangkay ng tatlong biktima. Inaresto na ng pulisya ang dalawa, maliban lamang kay Mercado na tinutugis pa ng mga awtoridad.

Sumuko naman aniya si Jael sa tulong ng isang pulisya na nakatalaga sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) regional police.

“By our own parameters on crime solution and crime clearance, this case is considered solved and is now elevated to the prosecutio­n arm of the justice system,” sabi naman ni PNP chief, Gen. Archie Gamboa.

Sinampahan na rin ang mga suspek ng kasong three counts of murder, kabilang sina Sanchez at Fajardo.

 ?? JANSEN ROMERO ?? KUNG HEI FAT CHOI Bumibili na ng pampasuwer­te ang dalawang Chinese para sa nalalapit na Lunar New Year sa Ongpin, Maynila, kahapon.
JANSEN ROMERO KUNG HEI FAT CHOI Bumibili na ng pampasuwer­te ang dalawang Chinese para sa nalalapit na Lunar New Year sa Ongpin, Maynila, kahapon.
 ?? MARK BALMORES ?? SARADO NA Isinapubli­ko kahapon ng pulisya ang mga suspek sa pamamaslan­g kay dating Batangas Rep. Edgar Mendoza at sa dalawang tauhan nito, kamakailan.
MARK BALMORES SARADO NA Isinapubli­ko kahapon ng pulisya ang mga suspek sa pamamaslan­g kay dating Batangas Rep. Edgar Mendoza at sa dalawang tauhan nito, kamakailan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines