Balita

Pamilya ng may coronaviru­s natunton na

- Jeffrey G. Damicog at Analou De Vera

Natunton ng Bureau of Immigratio­n (BI) ang pamilya ng isang Chinese national na nahawaan ng 2019 novel coronaviru­s (2019-nCoV) strain, sinabi kahapon ni Justice Secretary Menardo Guevarra.

“Na-tracked down na ng BI,” anang Secretary sa reporters.

Ayon kay Guevarra, binabantay­an ng BI ang kanilang mga galaw at maaaring i-refer sila sa Bureau of Quarantine ng Department of Health.

Ang lalaking Chinese ang unang kumpirmado­ng kaso ng 2019-nCoV sa Hong Kong.

Pumasok siya sa Hong Kong bilang turista mula Wuhan sakay ng speed train nitong Enero 21 at nasuring may lagnat sa border.

Dinala siya sa isolation ward ng Princess Margaret Hospital at iniulat na nasa stable condition.

Gayunman, kinumpirma ng Hong Kong Ministry of Health na ang kanyang pamilya ay lumipad patungong Pilipinas sakay ng Cebu Pacific Flight 5J-111 nitong Enero 22, Miyerkules.

Samantala, sinabi ni Health Undersecre­tary Rolando Enrique Domingo na hindi pa kailangang magsagawa ng anumang test o ilagay sila sa isolation.

“The advice is really for them to continue keeping in touch with us and we will be monitoring them. Kung may maramdaman o magkasakit sila then they will be contacting us but our epidemiolo­gy agents are contacting them regularly,” paninigura­do ni Domingo sa reporters sa DoH Central Office sa Manila kahapon.

Ayon ay Domingo, wala paring kumpirmdon­g kaso ng 2019-nCoV ang Pilipinas, at patulpoy na iniimbesti­gahan ang suspected case ng isang limang taong gulang na batang lalaki mula China.

“We have no confirmed case. Hindi natin alam kung free tayo (sa 2019nCoV)] but we don’t have a confirmed case,” aniya.

Sinabi ni Domingo na hindi pa available ang laboratory result ng bata na magkukumpi­rma kung nahawaan siya ng bagong coronaviru­s.

“The sample--- it took sometime to coordinate with the transport of the biological samples but it is now in Melbourne in Australia. Depending on the laboratory, we expect results within 24 to 48 hours. The earliest would probably be by tomorrow afternoon (January 24), if not we’re going to get the result by Saturday (January 25),” ani Domingo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines