Balita

Macron, napikon sa Israeli security

-

JERUSALEM (AFP) – Nang bumisita si French President Emmanuel Macron sa Old City ng Jerusalem nitong Miyerkules, nangyari rin sa kanya ang insidente ng kanyang sinundan na si Jacques Chirac, nang makasaguta­n niya ang Israeli security.

Uminit ang tensiyon nang hinawi ng Israeli police at domestic security agents ang French detail at naunang pumasok sa Church of Saint Anne, na isang French territory sa ilalim ng internatio­nal treaties.

“Everybody knows the rules. I don’t like what you did in front of me,” sinabi ng napikon na si Macron sa Israeli personnel, sa wikang English, sa kaguluhan sa pagpasok sa gusali.

“Go out -- outside please!” sigaw niya na nakunan sa video footage at mabilis na kuamat

sa social media.

Ang Roman Catholic church, nasa unahan ng Via Dolorosa sa Muslim Quarter ng Old City, ay bahagi ng teritoryo ng France sa Holy Land simula 1850s.

Sinabi ni Macron sa Israeli officers na ang ilang dekada nang patakaran “will not change with me, I can tell you, OK? So everybody, respect the rules.”

Noong 1996 bumisita sa Jerusalem ang namayapang si president Chirac at nasubok din ang kanyang pasensiya ng Israeli security personnel na pinagmamad­ali siya sa paglalakad.

Mainit ang ulong sinabi ni Chirac na ang kanilang ginawa ay isang “provocatio­n” at galit na sinabing: “What do you want? Me to go back to my plane and go back to France, is that what you want?”

Kalaunan ay sinabi Macron na nagkaroon ng “some nervousnes­s between the security teams and I was trying to put it in order”, idinagdag na pagkatapos nito ay nagkamayan sila ng Israeli officers.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines