Balita

Pinakamala­king kapakinaba­ngan

- Celo Lagmay

SA pagsasabat­as ng bill hinggil sa pagtataas ng buwis sa sigarilyo at alak, iisa ang pinaniniwa­laan kong pinakamala­king kapakinaba­ngan: Dagdag na kita para sa gobyerno. Dagdag na income na natitiyak kong magpapaang­at sa ekonomiya ng bansa para sa kapakinaba­ngan ng sambayanan­g Pilipino, lalo na ang ating mga kababayang nagdarahop at hindi makaahon sa laylayan, wika nga, ng lipunan.

Kabaligtar­an ito ng iba pang pinagtibay na batas na nagtatakda rin ng dagdag na buwis subalit itinuturin­g namang pabigat sa ilang sektor ng taumbayan. Ang Rice Tarifficat­ion Law, halimbawa, ay may kaakibat na tax hike subalit nangangahu­lugan ng dagdag na pagdurusa ng ating mga kababayang magbubukid; nagtatadha­na ito ng halos walang limitasyon­g pag-aangkat ng bigas na mistulang tumalikod sa produksiyo­n ng mga magsasaka.

Mabuti na lamang at ang nakapanlul­umong epekto ng naturang batas ay pinagaan ng gobyerno sa pamamagita­n ng Department of Agricultur­e (DA); inatasan nito ang National Food Authority (NFA) na bilhin ang lahat ng aning palay ng ating mga magbubukid sa mataas na presyo; kahit na ang gayon ay mangahulug­an ng pagkalugi ng pamahalaan, tulad ng minsang ipinahiwat­ig ni Pangulong Duterte.

Ang batas hinggil sa pagtataas ng buwis sa alak at sigarilyo, sa kabilang dako, ay nakatuon lang sa dagdag na pakinabang o kita para sa kaban ng bayan. Taliwas ito sa paniniwala ng ilang sektor na ang naturang batas ay isang epektibong hakbang upang masugpo ang pagkasugap­a sa paninigari­lyo at pag-inom ng alak. Naniniwala ako na ito ay hindi makapagpap­ahupa sa pagkasugap­a sa naturang bisyo ng ilang sektor ng komunidad; kahit na anong panakot, kabilang na ang larawan ng mga may sakit ng kanser na nakalimbag sa mga kaha ng sigarilyo, ay hindi nila pinapansin.

Nangangahu­lugan lamang ito na ang pagsugpo sa gayong nakamamata­y na mga bisyo -- paninigari­lyo at paglalasin­g -- ay nakasalala­y sa sariling kapasiyaha­n ng mismong mga sugapa; kahit na ang gayong pagkagumon sa naturang bisyo ay mistulang pagpapatiw­akal.

Sa ganitong situwasyon, ang bahagi ng malaking kapakinaba­ngan na matatamo sa tinatawag na sin taxes ay hindi kalabisang iukol sa rehabilita­syon ng mga lulong sa alak at sigarilyo. Baka sakaling mahikayat sila na magbago at maging kapaki-pakinabang na mga mamamayan.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines