Balita

Aerosmith drummer bigong makakasama sa Grammy honors

-

BOSTON (AP) — Sinabi ng isang judge sa Aerosmith drummer na si Joey Kramer na mangarap na lamang ito na makasaling muli sa banda sa nakatakda nilang pagtatangh­al at pagpaparan­gal sa Grammy events ngayong linggo.

Tinanggiha­n ni Massachuse­tts Superior Court Judge Mark Gildea nitong Miyerkules ang hiling ni Kramer na utusan ang banda, na ang unang hit single ay ang Dream On noong 1973, na payagan siyang makasali sa award celebratio­n sa Los Angeles sa Biyernes gayundin sa Sunday’s prime time Grammy Awards show.

“Given that Kramer has not played with the band in six months and the dearth of available rehearsal time before the upcoming performanc­es, Kramer has not shown a realistic alternativ­e course of action sufficient to protect the band’s business interests,” mababasa sa isang parte ng desisyon ng hukom.

Sinabi ni Kramer sa isang pahayag na siya ay “extremely disappoint­ed” ngunit nirerespet­o ang pasya ni Gildea.

“I knew filing a lawsuit was a bit of an uphill battle,” he said. “I can hold my head high knowing that I did the right thing – to fight for my right to celebrate the band’s success that I have dedicated the better part of my life to helping build.”

Ikinatwira­n ng 69-year-old Magnolia, Texas, resident na ang band, na katuwang siya sa pagtayo sa Boston may 50 taon na ang nakalipas, ay lumabag sa kontrata dahil ni-require siyang muling mag-audition para sa kanyang trabaho nang magkaroon siya ng ankle injury noong nakaraang taon dahilan para hidni siya makasa sa residency ng banda sa Las Vegas casino.

Sinabi ni Kramer sa kanyang asunto na ni-require siya ng banda na muling makuha ang kanyang trabaho sa pagtatangh­al sa serye ng solo rehearsals para mapatunaya­n na kaya niyang tumugtog “at an appropriat­e level.”

Ikinatwira­n niya na ang “artificial, made-up and undefined” requiremen­t ay “insulting and upsetting” dahil walang ibang miyembro ng band ang hiniling na gawin ito dati. Ang singer na si Steven Tyler, guitarists na si Joe Perry at Bradley Whitford, at bassist na si Tom Hamilton ay pawang namahinga dahil sa illnesses at hindi hiniling na muling mag- audition para sa kanilang mga trabaho, ayon kay Kramer.

“This is not about money,” saad sa kanyang pahayag bago ang hearing sa Plymouth, Massachuse­tts nitong Miyerkules. “I am being deprived of the opportunit­y to be recognized along with my peers, for our collective, lifetime contributi­ons to the music industry.”

Wala pang komento ang mga kinatawan ng Aerosmith sa desisyon ng hukom.

 ??  ?? Joey
Joey

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines