Balita

‘Monty Python’ star Terry Jones pumanaw na

-

PUMANAW na ang Monty Python star na si Terry Jones sa edad na 77 matapos ang mahabang pakikipagl­aban sa rare form ng dementia, na nagbunsod ng outpouring of tributes nitong Miyerkules.

“We have all lost a kind, funny, warm, creative and truly loving man whose uncompromi­sing individual­ity, relentless intellect and extraordin­ary humour has given pleasure to countless millions across six decades,” saad sa pahayag ng kanyang pamilya.

Sinabi nila na ang Welshborn writer, actor, comedian at director ay namatay nitong Martes sa kanyang bahay sa north London habang nasa tabi ang ang kanyang misis.

Idinirehe ni Jones ang ilan sa comedy troupe’s most-loved works, kabilang na ang 1979 movie na Life Of Brian, tungkol sa isang lalaki na napagkamal­ang Son of God, na binatikos ng Simbahan.

Gumanap bilang ina ni Brian na si Mandy Cohen, hindi malilimuta­n ang pagbitaw niya ng mga linyang: “Now, you listen here! He’s not the Messiah. He’s a very naughty boy!”

Sinabi ng kanyang kapwa Python na si Michael Palin, na naka-collab ni Jones sa cult series na Ripping Yarns, na ang kanyang kaibigan ay was generous, supportive at passionate at naniniwala in living life to the full.

“He was far more than one of the funniest writer-performers of his generation,” ani Palin.

Lumabas si Jones sa variety of characters sa BBC television series na Monty Python’s Flying Circus, madalas na gumaganap bilang ang middle-aged ladies, at sikat din bilang naked organist.

Sinabi ng kanyang second wife na si Anna at mga anak na sina Bill, Sally at Siri na nilabanan niya ang “extremely brave but always good-humoured battle” sa frontotemp­oral dementia (FTD), na nakaapekto sa kanyang pagsasalit­a.

Tinawag nila siyang “true polymath”, idinagdag na: “We lived in the presence of an extraordin­arily talented, playful and happy man living a truly authentic life, in his words, ‘lovingly frosted with glucose’.”

 ??  ?? Terry
Terry

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines