Balita

PSC nasa ika-30 taon na

- Annie Abad

NAGDIWANG ng kanilang ika-30 taong anibersary­o ang Philippine Sports Commission (PSC) na gaganapin sa Rizal Memorial Coliseum.

Ngunit sa halip na magkaroon ng magarbong selebrasyo­n dahil sa kanilang ikatatlump­ung taon, minarapat na lamang ng pamunuan ng PSC at ng mga empleyado nito na gamitin ang kanilang pondo sa anibersary­o sa pagtulong sa mga pamilyang naapaektuh­an ng pagsabog ng Bulkang Taal sa mga lugar ng Batangas at Cavite.

Kamakailan ay naghatid ng kanilang donasyon na mga sako ng bigas, tubig, pagkaing delata, damit at tulugan ang PSC sa Sacred Heart Parish sa Batangas upang maipamahag­i sa mga biktima ng Taal.

Pinasalama­tan naman ni PSC chairman William “Butch” Ramirez ang lahat ng mga naunang pinuno sa kanya, pati na ang mga empleyado noon at ngayon sa patuloy na pagsuporta sa nasabing ahensiya.

“It’s has been a journey for the PSC but we are still here. We at the PSC Board, we are very thankful to all those past leaders who served the agency and to all the employees, now and then for all the support and understand­ing. At sa mga atleta natin maraming salamat sa lahat ng inyong mga kabayaniha­n,” pahayag ni Ramirez.

Naitalaga bilang founding chairman ng nasabing ahensiya ang yumaong si Cecil Hechanova na nagsilbi buhat 1990 hanggang 1992 na sinundan naman ni chairman Aparicio Mequi taong 1992 hanggang 1993.

Taong 1993 humalili sa puwesto bilang chairman si dating Manila Mayor at Boxing Associatio­n president Mel Lopez na tumagal hanggang 1996.

Kasunod ni Lopez bilang PSC chairman taong 1996 hanggang 1998 ang kasalukuya­ng presidente ng Philippine Athletics Track and Field Associatio­n (PATAFA) na si Philip Ella Juico na sinundan naman ng yumaong si Carlos Tuazon mula 1998 hanggang 2001.

Ang dating swimming Olympian na si Eric Buhain naman ang humalili kay Tuazon bilang chairman, taong 2001 hanggang 2005.

Taong 2005, unang nanilbihan si Ramirez bilang chairman ng ahensiya kasunod si Harry Angping taong 2009.

Taong 2010 hanggang 2016 ay naglingkod naman ang dating PSC commission­er bilang chairman na si Richie Garcia.

2016 nang naibalik bilang chairman si hanggang sa kasalukuya­n.

“This is a milestone for PSC. As we celebrate our 30th year we want it to be inside the Rizal Coliseum which has seen many siginifica­nt events in the Philippine Sports,” pahayag ni Ramirez.

 ??  ?? KAPANA-PANABIK ang aksiyon sa football competitio­n ng UAAP.
KAPANA-PANABIK ang aksiyon sa football competitio­n ng UAAP.
 ??  ?? RAMIREZ
RAMIREZ

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines