Balita

‘Takbo sa Kalikasan’, tulong sa pagsawata ng polusyon

- Annie Abad

MAGING malusog at tumulong sa paglilinis ng kapaligira­n.

Ito ang 2-in-1 na layunin ng Green Media Event sa pagorganis­a ng 4th ‘Takbo sa Kalikasan’ fun run – unang yugto ng isinusulon­g na Fire Run sa Mayo 31 sa CCP Complex sa Pasay City.

Ayon kay Jenny Lumba, Managing Director ng Green Media Event, isasagawa ang patakbo bilang pagsuporta din sa LGBTQ community na kabilang sa mga pangunahin­g tumatangki­lij sa kanilang fund-raising activities tulad ng Pride Run at #lovewins advocacy.

“Patuloy po ang aming community outreach program tulad noong nakaraang taon kung saan ang Green Media events team at ilang volunteers namin ay namahagi ng groceries, medicines at feeding program sa mga piling charity institutio­n, higit yaong nagsasagaw­a ng programa sa mga naapektuha­n ng bulkang Taal ay sisikapin naming makapagpaa­bot din sa kanila ng tulong,” pahayag ni Lumba sa kanyang pagbisita sa TOPS ‘Usapang Sports’ na itinataguy­od ng Philippine Sports Commission, PAGCOR, at Community Basketball Associatio­n.

Hinikayat naman ni Fritz Labastida, ang running ambassador at tinagurian­g ‘barefoot diva’ ang publiko na makilahok sa 3k,5k,10k at 16k upang makatulong sa programa ng pamahalaan na mapanatili ang kaayusan at kalinisan ng kapaligira­n. “Hindi kailangan mauna ka sa finish line, ang importante, makiisa ka sa paglilinis. Yung mga plastic bottles na madadaanan mo sa ruta, puwede pulutin at ipunin. May mga katapat yang sopresang premyo,” sambit ni Labastida.

Binubuo ang event series ng apat na elemento ng daigdig kung saan ang 2nd edition ay sa Hulyo 19 na Water Run, sa Set. 20 ang Air Run at ang 4th edition ay ang Earth Run sa Nob. 22.

“Nakatutuwa na mula sa 100 runners sa inaugural event namin, ngayon umaabot nakami ng mahigit sa 3,000. Masaya kami at pinatutuna­yan lamang nito na malakas na talaga ang awareness sa ating mga kababayan about climate change at sa tamang pangangala­ga ng kalikasan,” sambit ni Lumba.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines