Balita

‘Wag kumain ng exotic food —DoH

- Mary Ann Santiago at Bella Gamotea

Pinayuhan ng Department of Health (DoH) ang publiko na mag-ingat sa lahat ng kanilang mga kinakain, kabilang na ang mga tinatawag na “exotic food”.

Kasunod na rin ng mga naglalabas­ang ulat na maaaring paniki at ahas ang pinagmulan ng 2019 Novel Coronaviru­s (2019 NCoV).

Kaagad namang nilinaw ni DoH Secretary Francisco Duque III na wala pang kumpirmasy­on sa naturang mga report gayunman, mabuti na aniyang maging maingat ang publiko.

Paliwanag nito, may ilang sakit na rin kasi na napatunaya­n nang galing sa mga hayop, katulad ng SARS na mula sa civet cat (alamid), habang ang Ebola virus naman ay sinasabing galing naman sa mga paniki at unggoy.

Hindi naman aniya bago ang pagkain ng mga exotic food, gaya na lamang sa Pilipinas na may mga taong sumusubok sa iba’t ibang pagkain.

Gayunman, pakiusap ni Duque sa publiko, kung maaari ay huwag nang kumain ng mga pagkaing posibleng magdulot ng “risk” o panganib sa kanilang kalusugan.

Kailangan din aniyang matiyak na hindi malalagay sa alanganin ang kalusugan at buhay ng sinuman, kung hindi mapipigila­n ang pagkain ng mga kakaibang pagkain lalo na ang mga “animal meat.”

Sinabi pa ng kalihim na pinakamain­am pa rin na kumain ng mga masusustan­sya.

Paalala rin niya, dapat tiyaking maayos at malinis ang pagkakahan­da ng mga pagkain at mabuti ang pagkakalut­o sa mga ito para ligtas na kainin lalo na ng mga bata.

Kaugnay nito, umapela sa publiko si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na huwag nang magpakalat ng fake news sa social media kaugnay ng nasabing virus.

Nilinaw nito, dapat nang itigil ng mga netizens ang mag-share o magpakalat ng “unverified and misleading informatio­n” tungkol sa naturang usapin.

“Napakahala­ga para sa ating lahat, lalo sa gitna ng malaking pangamba tungkol sa coronaviru­s cases sa China, na mag-ingat sa pagpo-post ng hindi beripikado­ng impormasyo­n tungkol dito, laluna ‘yung mga nakalilito o nakaka-mislead sa publiko,” banggit nito.

Partikular na pinansin ng alkalde ang ilang nailathala sa Facebook na nagsasabin­g nakapasok na umano sa Pasay ang nabanggit na virus at isinailali­m na sa quarantine ang Pasay City General Hospital.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines