Balita

Ospital vs NCoV, itinayo

-

BEIJING (Reuters) – Mabilis na itinatayo ng Chinese city ng Wuhan ang isang bagong 1,000-bed hospital para doon gamutin ang mga biktima ng bagong coronaviru­s, at inaasahang mabubuksan ito sa susunod na linggo, ayon sa state media.

May 25 katao na ang namatay sa 2019 novel coronaviru­s (nCoV)at mahigit 800 ang nahawaan, sinabi ng gobyerno nitong Biyernes, habang idineklara ito ng World Health Organisati­on na isang emergency.

Karamihan ng mga kaso ay nasa central Chinese city ng Wuhan kung saan pinaniniwa­laang nagmula ang virus sa bahagi ng nakaraang taon.

“The constructi­on of this project is to solve the shortage of existing medical resources” nakasaad sa ulat. “Because it will be prefabrica­ted buildings, it will not only be built fast but it also won’t cost much.”

Kumalat na ang virus sa Chinese cities kabilang sa Beijing at Shanghai, gayundin sa United States, Thailand, South Korea at Japan.

Gayunman, masyado pang maaga para maituring ang outbreak na isang “Public Health Emergency of Internatio­nal Concern,” sinabi ni WHO Emergency Committee panel chair Didier Houssin matapos magpulong ang samahan sa Geneva.

“Make no mistake, though, this is an emergency in China,” sinabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesu­s. “It has not yet become a global health emergency. It may yet become one.”

Sa pagsisikap na mapigilan ang outbreak, sinuspinde ng local government sa Wuhan, isang lungsod ng 11 milyon katao sa Hubei province, ang karamihan ng transport nitong Huwebes, kabilang na ang outgoing flights, at sinabihan ang mga tao na huwag umalis. Makalipas ang ilang oras, inanunsiyo rin ng katabing Huanggang, lungsod ng 7 milyon katao, ang mga parehong hakbang.

“The lockdown of 11 million people is unpreceden­ted in public health history,” sinabi ni Gauden Galea, WHO representa­tive sa Beijing.

Gayunman, sinabi ng samahan na hindi pa nito inirerekom­nenda ang anumang mas malawak pagbabawal sa pagbiyahe at kalakalan.

Ang dating hindi kilala na virus strain ay pinaniniwa­laang nakuha sa illegally traded wildlife sa isang animal market sa Wuhan.

Wala pang bakuna para sa 2012 nCoV, na maaaring kumalat sa pamamagita­n ng respirator­y transmissi­on. Kabilang sa mga sintomas nito ang lagnat, hirap sa paghinga at pag-ubo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines