Balita

Ex-cop, tiklo sa extortion

- Calvin D. Cordova

CEBU CITY – Arestado ang isang dating pulis dahil umano sa pangingiki­l sa isang aplikante sa Lapu-Lapu City, Cebu, nitong Huwebes ng hapon.

Under custody na ng pulisya ang suspek na nakilalang si Carlito Luage Donque, Jr., 36.

Inihayag ni deputy regional director for administra­tion-Police Regional Office-Central Visayas, Brig. Gen. Domingo Cabillan, hindi na nakalapag ng suspek nang dakpin ng tauhan ng Regional Intelligen­ce Division sa isang money transfer service sa Barangay Bangkal, ng nasabing lungsod kung saan nito naiwithdra­w ang P10,000.

Ang nabanggit na halaga aniya ay paunang bayad ng aplikante sa suspek na humihingi ng P40,000 kapalit ng pagpasok nito sa Philippine National Police.

“He introduced himself as a Police Lieutenant. He promised that the applicant will be recruited in exchange for the cash,” pahayag ni Cabillan.

Sa rekord ng pulisya, si Donque ay isa lamang corporal nang sibakin ito sa serbisyo noong Oktubre 2018.

Pumasok ito sa serbisyo noong 2007 at dati siyang operatiba ng

Aviation Security Group at nakatalaga sa Mactan Cebu Internatio­nal Airport (MCIA).

Naiulat na hindi na pumasok sa trabaho (absent without official leave (AWOL) ang suspek matapos itong akusahan na nagtatanim ng bala sa bagahe ng isang pasahero sa MCIA noong 2016.

Humihingi umano si Donque ng pera sa mga pasahero upang hindi na sila ikukulong.

Gayunman, natuklasan na ang nasabing pasahero ay kaibigan ni Davao City Mayor Sarah Duterte na agad na hiningan ng tulong ng pasahero at agad namang nagsumbong sa Camp Crame.

Nagsasagaw­a pa ng imbestigas­yon ang mga awtoridad upang matukoy ang mga kasabwat nito.

Sasampahan ang suspek ng kasong kriminal.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines