Balita

VFA KAKANSELAH­IN

- Nina VANNE ELAINE P. TERRAZOLA, BETH CAMIA, at ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

Plano ni Pangulong Rodorigo Duterte na kanselahin ang Visiting Forces Agreement (VFA) ng Pilipinas sa United States dahil sa patuloy na pakikialam ng huli sa panloob na gawain ng bansa.

Ito ang itinutumbo­k ng naging talumpati ng Pangulo sa san Isidro Civic Center sa San Isidro, Leyte, nitong Huwebes ng gabi.

Isang buwan lamang ang palugit ni Duterte sa Amerika upang ayusin ang visa ni Senator Ronald dela Rosa na nauna nang kinansela ng US at kung hindi ay tuluyan na niyang ipawalangb­isa ang nasabing kasunduan.

Kinumpirma ni dela Rosa nitong Miyerkules na kinansela na ng US ang kanyang 10-year multiple entry visa.

Isa sa kaalyado ni Duterte si dela Rosa na dating itinalaga nito bilang hepe ng Philippine National Police na pangunahin­g tagapagpat­upad ng kanyang war on drugs na madalas namang batikusin ng Amerika.

U.S. TROOPS, PALALAYASI­N

Binanggit din ni Duterte na “sisipain nito palabas ng bansa ang tropa ng mga Amerikano kapag hindi inayos ang kanyang kahilingan”.

“Perhaps this action can make the US Senate rethink their wrong perception about our justice system. He is the President, the buck stops with him,” ayon naman kay Senate President Vicente Sotto III.

Nakikita naman ni Senator Aquilino Pimentel ang punto ni Duterte sa planong pagkansela sa naturang kasunduan.

“He believes Sen. Bato is being punished by the US for having once been the implemento­r of his main program of government -- the allout war against drugs. Since that is domestic policy then punishing someone, even if indirectly, for a domestic policy shows the intent to interfere by a foreign state with (the Philippine­s’) domestic policy,” pahayag ng senador.

FOREIGN MILITARY BASES, BAWAL

Binigyang-diin din nito na ang ipinagbaba­wal sa Pilipinas ang pagtatayo ng foreign military bases alinsunod na rin sa Konstitusy­on.

Tinukoy nito ang Article 18, Section 25 ng 1987 Constituti­on kung saan nakasaad na hindi pinapagaya­ng maglagay ng foreign military bases sa bansa, kahit ang kanilang mga tauhan o pasilidad, malilban na lamang kung nasa ilalim ito ng tratado na aprubado ng Senado at Kongreso.

“Having a foreign armed force inside a sovereign nation like the Philippine­s is an ‘unnatural’ situation. That is why our constituti­on provides strict requiremen­ts before a foreign armed force can be stationed here: it must be under a treaty and the other state must treat the agreement as a treaty too,” paglalahad ni Pimentel.

Sa naturang VFA na pirmado ng Pilipinas at Amerika noong 1998, nakapaloob kung paano tratuhin ng pamahalaan ang mga sundalo ng Amerika habang sila ay nasa bansa.

Sa ilalim ng kasunduan, hindi saklaw ng passport at visa regulation­s ang mga sundalo ng US sa pagpasok at paglabas ng Pilipinas. Magsisilbi ring valid sa Pilipinas ang kanilang driving permit at license na ibinigay sa kanila ng Amerika.

IMBITASYON NI TRUMP, INISNAB

Tinanggiha­n din ni Duterte ang imbitasyon ni US President Donald Trump na bumisita ito sa kanilang bansa sa Marso.

Ito ay dahil na rin sa naging kontrobers­yal na pagkansela sa visa ni dela Rosa.

Sa isang panayam sa Malacañang, inihayag ni Presidenti­al Spokesman Salvador Panelo, ipinasya ni Duterte na huwag nang bumisita sa US sa kabila ng naunang pahayag ng Pangulo na pinag-iisapan pa niya ang imbitasyon­g makadalo sa US-ASEAN Summit sa Las Vegas, Nevada.

“He said he’s not going. For many reasons. Which I already stated earlier. And the other reason was the cancellati­on of Senator Bato’s visa. So that added to the other factors,” pahayga ni Panelo, kahapon.

Aniya, hindi na aniya matutuloy ang naunang pahayag ni Duterte na isang buwang palugit sa Amerika upang ayusin ang problema kay dela Rosa dahil iniutos na nito ang paggulong ng pagpapawal­ang-bisa sa naturang kasunduan.

“Tinanong ko siya kagabi when will the process start. ‘Tonight!’ So I relayed it to Foreign Affairs Secretary (Teodoro) Locsin.

The process of starting it has commenced, or will commence today,” sabi ni Panelo.

DUTERTE, NAPUNO NA

Aniya, ang naging pasya ng Pangulo ay resulta lamang umano ng ilang beses na pakikialam ng US sa soberanya ng

Pilipinas, partikular na panawagan ng mga mambabatas nito na palayain na ang nakakulong na si Senator Leila de Lima na nagresulta sa pagbabawal na pumasok sa Amerika ng mga opisyal ng gobyerno na sinasabing nasa likod ng pagpapakul­ong sa senadora.

“They cannot dictate at us or bully us into releasing a citizen of this country who is lawfully detained. When they introduced that amendment, [that is] tantamount, to our mind, as a disrespect.

The President feels that we cannot sit down and just watch idly,” aniya.

Ayon kay Panelo, bumuo na si Locsin ng komite kung saan nagsisilbi­ng vice-chairman si Defense Secretary Delfin Lorenzana at inatasan silang umpisahan na ang proseso ng pagpapawal­ang-saysay sa VFA.

Inilarawan din ni Panelo ang Pangulo bilang “authoritat­ive, serious, at assertive” sa pagpapasya nito na wakasan na ang nasabing tratado.

“He was authoritat­ive, serious, he was assertive. They’ve been intruding into our domestic affairs, bullying us into submission. We cannot allow that. Meanwhile, they’re having privileges here tapos (but) they’re treating us this way,” pahayag nito.

Hindi naman tiyak ni Panelo kung kayang i-terminate mag-isa ni Duterte ang VFA, kahit walang pahintulot ng Kongreso.

“There are two theories, and it is not been settled yet. Under the constituti­on, the ratificati­on of a treaty requires the concurrenc­e of the Senate. That is why this VFA, considered to be a treaty, has the votes of the Senate. But the US considers this as an executive agreement. So the theory is if it is an executive agreement, you can terminate it. “Second theory is, other lawyers are saying, it goes without saying since the Senate is required for its enforcemen­t, so ‘pag tinerminat­e mo, kailangan din sila. Hindi settled ‘yan, eh,” dagdag pa ng tagapagsal­ita ng Pangulo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines