Balita

3 lalaki arestado sa pagnanakaw ng manok

- Jean Fernando

Arestado ang tatlong lalaki sa pagnanakaw ng dalawang kahon ng 30 dressed chicken nitong Huwebes ng hapon sa Marikina City.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Jhames Dee Petalver, 22 anyos, delivery truck driver at residente ng Pulong Tamo St., San Ildefonso, Bulacan; John Lester Calderon, 22, at isang 17 anyos na lalaki, parehong residente ng Tenero St., Pulilan, Bulacan, at kapwa delivery truck helper.

Lumutang sa imbestigas­yon na nangyari ang insidente dakong 1:30 ng hapon sa Savemore Market Shoe Avenue, Barangay Sto. Nino, Marikina City.

Ayon sa pulisya, iniulat ng Sanford Marketing Corporatio­n na kinatawan ni Nikko Velasco, 22, Savemore RDU clerk sa Savemore Market Shoe Avenue na tinangay ng mga suspek ang dalawang kahon na naglalaman ng 30 dressed chicken sa loob ng kanilang storage room.

Sinabi ni Velaso sa pulisya na bago ang pag-aresto sa tatlong suspek ay nag-deliver ang mga ito ng 35 kahon na ang bawat isa ay naglalaman ng 15 dressed chicken sa kanilang supermarke­t.

Matapos ibaba ang mga manok sa kanilang delivery truck at ilagay sa storage room ay kinuha ng mga suspek ang dalawang kahon ng 30 dressed chicken.

Ayon kay Velasco, nang mag-imbentaryo si Joe Mark ay natuklasan na nawawala ang limang kahon ng dressed chicken.

Sinabi niya na inaresto ang mga suspek matapos matuklasan ng kanilang security guards na sina Ryan Baria at Ruel Burabod sa pamamagita­n ng CCTV camera na kinuha ng mga suspek ang dalawang kahon ng 30 dressed chicken habang isinasakay ang mga walang lamang kahon sa kanilang delivery truck.

Natunton ang mga pulis sa Riverbanks Center sa Barangka, Marikina City kung saan sila inaresto nina Baria at Burabod dakong 7:00 ng gabi at dinala sa pulisya.

Nakuha sa mga suspek ang tatlong kahon na naglalaman ng 42 dressed chicken na nagkakahal­aga ng P7,350.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines