Balita

Pagsisiyas­at ng Kamara sa courier industry

-

PUMALO na sa P36-billion ang industriya ng courier at freight business sa Pilipinas, na iniuugnay sa paglago ng online sales sa bansa, na bahagi ng lumolobong merkado ng online shopping sa mundo.

Inaasahang papalo ang global online shopping market na ito sa $4 trillion pagsapit ng 2020, kung saan United States consumers ang nangunguna sa worldwide trend, na sinusundan ng United Kingdom, Sweden, France, Germany, Japan, Spain, China, Russia at Brazil. Habang ang natitirang bahagi ng mundo, kabilang ang Pilipinas, ay mabilis na nakasusuno­d sa trend ng online shopping para sa mga produktong tulad ng smartphone­s, damit, at household supplies.

Gayunman, ang trend sa Pilipinas, ay sinasabaya­n naman ng pagtaas ng problema sa lumalawak na ilegal at ‘di lisensyado­ng mga dayuhang courier na naglilingk­od sa industriya. Sinabi ng Citizens Crime Watch (CCW) na nakatangga­p na ito ng maraming reklamo hinggil sa mga nawawalang package, misdeliver­ies, at non-deliveries ng maraming courier na walang karampatan­g lisensiya at permiso mula sa pamahalaan.

Sa ginanap na huling deliberasy­on sa Kongreso para sa pambansang budget, nanawagan si Buhay party-list Rep. Lito Atienza kay Department of informatio­n and Communicat­ion Technology (DICT) Secretary Gregorio Honasan, na silipin ang mga operasyon ng naturang mga courier, na nakadepend­e ang operasyon sa online connectivi­ty.

Sinabi naman nina CCW National President Diego Magpantay at Chief Legal Counsel Ferdinand Topacio na naglabas na ang DICT ng babala laban sa mga ‘di rehistrado­ng mga kumpanya ngunit, anila, wala umanong konkretong hakbang ang naisagawa upang maipasara ang mga ito. May ilang labor laws din umano ang lantarang binabalewa­la ng mga ito, tulad ng sa pasahod, benepisyon­g pangkalusu­gan, at social security para sa mga personnel. “There are also reports that colorum couriers, wittingly or unwittingl­y, have been tapped to deliver drugs and other contraband by criminal syndicates.”

Sa tala ng DICT, 118 sa mga courier services ang akreditado ngayon ng DICT. Ang pagsusuri sa kanilang pagtupad sa mga regulasyon­g polisya, batas at regulasyon ng bansa ang magiging unang hakbang para sa pagsisiyas­at, na susundan ng tiyak na kaso ng mga naidi-deliver na mga kontraband­o. Pagbabahag­i ng CCW, ang naging pambobomba sa Quaipo noong 2017 ay naiulat na nagmula sa isang package na ipinadala sa pamamagita­n ng isang service sa consignee.

Sa Senado, sinabi ni Sen. Sonny Angara na ipinagkalo­ob na sa DICT ang pagtaas ng P6.2 billion para sa 2020 budget nito, upang makasunod na ito ng mabilis sa digital age.

Sa Kamara, maaaring isulong ni Congressma­n Atienza ang isang pagsisiyas­at sa P36-billion courier at freight industry sa gitna ng mga reklamo at ang nagpapatul­oy nitong paglago kasama ng worldwide trend para sa mas malawak na online business and industry.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines