Balita

Tuloy ang pagbaba ng kaso ng dengue sa bansa

-

PATULOY na bumababa ang naitatalan­g kaso ng Dengue sa bansa, pagbabahag­i ng Department of Health (DoH)nitjong Huwebes. Base sa Dengue Surveillan­ce Reports ng DoH na may petsang Jan. 17, 2020, tanging iisang rehiyon lamang ang lumampas sa alert threshold at isa pa para sa epidemic threshold.

Ipinakikit­a sa ulat ang tuloy-tuloy na pagbaba ng kaso sa lahat ng rehiyon sa nakalipas na tatlong buwan. Mula Disyembre 22 hanggang 31, 2019, na mayroon lamang 815 dengue cases, nasa 87 porsiyento­ng mas mababa kumpara sa 6,125 kaso na naitala sa katulad na panahon noong 2018.

Agosto 6, 2019, nang magdeklara ang DoH ng isang national dengue epidemic nang umabot sa 146,062 kaso ang naitalan mula noong Enero hanggang Hulyo 2019—halos doble ng bilang ng kaso na naitala sa kaparehong panahon noong 2018. Pito mula sa 17 rehiyon ang lumampas sa alert threshold para sa dengue parehong panahon.

Ang DoH, kasama ng iba pang ahensiya ng pamahalaan, lokal na gobyerno, paaralan,mga opisina, at komunidad ay naglunsad ng Sabayang 4 O’Clock Habit para Deng-Get Out campaign bilang tugon sa epidemya.

“The success of the Sabayang 4 O’Clock Habit para Deng-Get Out campaign is attributed to its whole-of-government and whole-of-society approach. It is through the concerted efforts of government agencies, our private sector and civil society organizati­ons, developmen­t partners, schools, communitie­s, and every Filipino that we were able to successful­ly address the dengue outbreak,” pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III.

Inabisuhan ng Kalihim ang publiko “not to be complacent” sa kabila ng tulouytulo­y na pagbaba ng kaso ng dengue.

“We need to continuall­y address the root causes of dengue and practice preventive measures all year round. I urge everyone to remain vigilant, and sustain the gains of the enhanced 4S strategy to keep dengue at bay,”aniya.

Hinihikaya­t din ng Do Hang publiko na hanapin at sirain ang mga nagiging lugarpangi­tlugan ng mga lamok, magpatupad ng self-protection measures, at kumonsulta ng maaga, kasama ng pagsuporta sa fogging o spraying lalo na sa mga hotspot areas kung saan nakitaan ng pagtaas sa kaso ng dengue sa dalawang magkasunod na linggo, upang maiwasan ang pahkakaroo­n ng outbreak.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines