Balita

Tuloy ang ayuda para sa mga dating NPA

- Ni MIKE U. CRISMUNDO

CAMP BANCASI, Butuan City – Bilang bahagi ng reintegrat­ion program ng pamahalaan para sa mga dating miyembro ng communist-New People’s Army (NPA) na nagbaliklo­ob sa pamahalaan, patuloy ang pamamahagi ng Provincial Social Welfare and Developmen­t Office (PSWDO) sa Agusan del Sur ng pinansyal na ayuda sa mga dating rebelde, pagbabahag­i ni 1st Lt. Percival J. Carido, Civil Military Operations (CMO) officer ng Army’s 26th Infantry (Ever Onward) Battalion (26th IB), nitong Biyernes.

Aniya, dalawang dating rebelde ang nakatangga­p ng tig-P5,000 cash assistance kahapon, bukod sa P25,000 immediate cash assistance na kanilang natanggap mula sa local government ng San Luis noong Oct. 25, 2019, pagbabahag­i pa ni 26th CMO officer.

“The two were just few among the enlightene­d individual­s who finally went back to the mainstream of society after being deceived from the terrorist CPP-NPA propaganda,”aniya.

“They were happy and overjoyed upon receiving the cash benefit,” ani 1st Lt.

Carido.

Tuloy rin, aniya, ang pagtulong ng field units 26th Infantry Battalion sa mga dating rebelde at kasalukuya­ng sumasailal­im ang mga ito sa reintegrat­ion program bilang bahagi ng Enhanced- Comprehens­ive Local Integratio­n Program (E-CLIP) mula sa gobyerno.

Tumulong ang 26th IB na pinamumunu­an ni commanding officer Lt. Col. Romeo C. Jimenea, katuwang ang mga opisyal ng PSWDO, sa enrollment ng mga dating rebelde sa E-CLIP na sasakop sa kanilang reintegrat­ion, livelihood, educationa­l at housing benefits.

Ayon sa 26th IB commander, tuon pa rin ng pamahalaan ang pagtulong at pag-agapay sa pangangail­angan ng mga dating rebelde na nagbalik-loob sa pamahalaan at piniling mamuhay ng mapayapa kasama ng kanilang mga pamilya.

Nanawagan naman si Lt. Col. Jimenea sa iba pang natitirang miyembro ng NPA na bumaba na at piliing tumanggap ng peace at developmen­t program ng pamahalaan.

“Our door remains open in accepting you (CPP-NPAs) all back to the folds of the law and we are offering you a way out but if you continue to resist, then it will cause your own ruin,” dagdag pa ng 26th IB commander.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines