Balita

Julia Montes, balikaksiy­on sa bagong serye

- Ador V. Saluta

ILANG araw pagkatapos ianunsiyo ng Dreamscape ang pagka-comeback sa telebisyon ni Julia

Montes, inumpisaha­n na ng aktres ang kanyang training para sa seryeng 24/7 na mapapanood na ngayong taon. Isang action series ang nasabing serye, gaya ng kanyang huling serye sa Kapamilya, ang

Asintado taong 2018, kaya’t kinakailan­gang magsanay muli ng kanyang action routines si Julia.

Nitong Huwebes, January 23, isang teaser ng nasabing project ang ipinost sa posted sa Instagram account ng Dreamscape Entertainm­ent, a content provider division of ABS-CBN. Ang Dreamscape din ang nag-produced ng mga nakaraang programa ni Julia gaya ng Ikaw Lamang (2014), Doble Kara (2015), at Asintado.

Sa nasabing video, ipinakita kong gaano kasigasig si Julia sa kanyang training. Ipinangako naman ng aktres sa kanyang mga tagahanga at supporters that they will be seeing a “new Julia.”

“For this show, nag-training kami ng arnis, saka nagfiring din, para meron kayong bagong makikitang Julia sa akin,” pahayag ni Julia.

“Matagal ring hindi nagfa-firing, then bumalik ako for this show. Bagong Julia ulit ang makikita nila kasi talagang pinaghanda­an po ng buong Dreamscape family ito,”ayon pa sa aktres.

S a magkakasun­od na eksena, mapapanood si Julia doing arnis training and firing a pistol as part of her firing refresher course gaya ng nauna na nitong training habang ginagawa ang “Asintado”.

Tagline ng bagong serye ni Julia ang, “Oras na para sa pagmamahal na ‘di nauubos, hindi napapagod, hindi nagpapahin­ga.

 ??  ?? Julia
Julia

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines