Balita

Mt. Taal umuusok na naman

- Nina ALEXANDRIA DENNISE SAN JUAN at MARTIN A. SADONGDONG

Ilang araw matapos ang tila paghina ng aktibidad nito, bumuga ang Mt. Taal ng makapal na usok kahapon ng umaga na nangangahu­lugan na may pag-init sa volcanic materials nito sa ilalim, sinabi ng Philippine Volcanolog­y and Seismology (Phivolcs).

Ayon kay Phivolcs Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division chief Mariton Bornas, ang usok na naobserbah­an sa main crater ng Taal kahapon ng umaga ay sanhi ng hydrotherm­al activity kung saan ang umaangat na magma sa ilalim ng lupa ay pinaiinit ng tubig sa ilalim, na nagresulta sa steam.

“Nung mga nakaraang araw, napansin natin na naibsan ang steam dahil maaaring nabarahan ang daanan nito o kaya naubusan ng sulfur dioxide yung ibabaw ng magma kaya bumababa ang pag-usok,” paggunita ni Bornas.

“Ngayon ay mas masigabo na ang steam dahil siguro wala na yung bara o kung ‘yung pagtigas ng ibabaw ng magma ay nabitak na at nakalabas na ulit ang sulfur dioxide at steam,” paliwanag niya.

Ayon sa United States Geological Survey, ang SO2 ay nagpapahiw­atig na malapit na ang magma sa surface at maaaring senyales na malapit nang sumabog ang bulkan.

Ipinaliwan­ag din ni Bornas na ang mas maitim na usok mula sa Taal nitong Biyernes ay normal lamang, dahil nanghalo ang lumang ash deposits mula sa bulkan sa steam.

Samantala, sa loob ng 12 oras, umaabot sa 74 na pagyanig ang naitala ng mga awtiridad sa Mt. Taal sa Batangas, na nagpapahiw­atig na patuloy na umaangat ang magma at may banta pa rin ng pagsabog, iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon.

Sinabi ni NDRRMC Ricardo Jalad na 915 lindol ang naitala ng mga eksperto sa Taal dakong 6 a.m. nitong Enero 24, mas mataas kaysa 841 lindol na naitala hanggang 6 p.m. ng Enero 23.

Sa mga pagyanig na ito, 176 ang naramdaman na may magnitudes 1.2 hanggang 4.1 at intensity na I hanggang V.

Ang ibang pagyanig ay naitala sa pamamagita­n ng mga instrument­o ng scientist.

Habang isinusulat ang balitang ito, nakataas pa rin ang Alert Level 4 sa Taal at ipinapayo ng mga awtoridad na lumayo sa 14-kilometer danger zone.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines