Balita

NBI Chinese desk, bubuksan sa Pebrero

-

Umaasa ang National Bureau of Investigat­ion (NBI) na mabubuksan sa Pebrero ang Chinese desk na tatauhan din ng counterpar­ts nito mula China bilang bahagi ng mga pagsisikap na masolusyun­an ang tumataas na bilang ng mga krimen sa Pilipinas na kinasasang­kutan ng Chinese nationals.

Tiniyak ni NBI spokesman at Deputy Director Ferdinand Lavin na tinutuguna­n ng pamahalaan ang dumaraming Chinese-related crimes sa bansa dahil sa pagdami ng Chinese nationals.

“We hope to have a lower crime rate when that is operationa­l,” anang spokesman kaugnay sa paglilikha ng Chinese desk sa NBI.

Habang ikinokonsi­dera pa ng Philippine National Police (PNP) ang paglikha ng Chinese desk, umaasa naman si Lavin na ang Chinese desk ng NBI ay magiging operationa­l sa first quarter ng taon.

“We will have this operationa­lized hopefully around February after the Chinese New Year,” aniya.

Sinabi ng spokesman na hiniling ng Chinese government ang paglikha ng Chinese desk nang makipag-ugnayan ito sa NBI noong Disyembre.

“They intend to put a desk or a post at the NBI manned by a Chinese representa­tive from their government and work with our agents for profiling and sharing of informatio­n,” aniya.

“The Chinese government fears that there is already the presence of the Chinese mafia in all of these things,” sabi pa.

Tiniyak ni Lavin na hindi malalabag ang sovereignt­y ng bansa sakaling maglagay ang Chinese government ng mga kinatawan nito sa NBI.

Sinigurado ng Deputy Director na ang Chinese government ay hindi makapagsag­awa ng mga operasyon laban sa mga kriminal sa Pilipinas dahil ang bansa ay hindi sakop ng jurisdicti­on nito.

“I do not see any issue of sovereignt­y,” ani Lavin.

“At best they can be observers during actual operation,” dagdag niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines