Balita

Opisina para sa ‘protection of minors’ nilikha ng CBCP

- Leslie Ann G. Aquino

Lumikha ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippine­s (CBCP) ng isang bagong opisina.

Sa isang panayam, sinabi ni CBCP Secretary General Father Marvin Mejia na nilikha ang Office on the Protection of Minors matapos itong ipanukala sa pagpupulon­g ng kanilang Permanent Council.

“They are actually going to elect the chairman during the Plenary Assembly,” aniya. “Let it be clear that the conference is addressing this.”

Ginaganap ang 120th Plenary Assembly ng CBCP simula Enero 25 hanggang 27 sa Pope Pius XII Catholic Center sa Paco, Manila.

Ayon kay Mejia, ang bagong likhang opisina ay tutulong sa dioceses kung paano haharapin ang nasabing isyu.

“The CBCP, with the expertise of Canon Law and other profession­als, will help in a way,” aniya.

Ngunit ayon kay Mejia ang awtoridad ay nakaatang pa rin sa mga obispo.

“It’s still the individual local churches if there are accusation­s,” aniya.

Sinabi ni Father Jerome Secillano, executive secretary of the CBCP Public Affairs Committee, na kahit mayroong mga kaso ng clergy sexual abuse dito sa Pilipinas, hindi ito talamak kumpara sa ibang bansa.

Sinabi rin niya na ang mga kasong ito ay tinutuguna­n.

“Priests are investigat­ed and some are sent to a facility for reformatio­n, while others are either suspended or defrocked (laicizised),” ani Secillano.

Nitong nakaraaang taon lamang nang idaos ang summit sa “protection of minors in the Church” sa Vatican.

Sinabi ng Holy See Press Office na layunin ng summit na mas maintindih­an ng lahat ng mga obispo kung ano ang dapat nilang gawin para mapigilan at malabanan ang pandaigdig­ang problema ng sexual abuse sa minors.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines