Balita

TIYANAK Ika-19 na labas

- R.V. VILLANUEVA

IPINALIWAN­AG ni Tandang Mundong kina Rolan, Lyka at Allea ang iba pang masamang pangyayari­ng magaganap kung ang bahay ng magasawang Horacio at Karina ang nasusunog sa natatanaw nilang apoy. Ayon pa sa matandang albularyo, malamang na nakatakas ang mga magulang ni Allea sa sumalakay na tatlong lalaki at sa paghahanap, baka magawi sa lugar nila ang mag-asawa. Dahil agad naunawaan ang pangyayari­ng naglalaro sa isip ni Tandang Mundong, mabilis na sinang-ayunan ni Rolan ang sinabi ng matandang albularyo. Kaagad ding inutusan ni Tandang Mundong sila Lyka at Allea na pumasok sa kuwarto para hindi mapahamak sakaling maganap ang iniisip niyang pangyayari. At dahil sa pagnanais na mailigtas ang sarili, agad hinatak ni Lyka si Allea papasok sa kuwartong tulugan nila ni Rolan sa lumangluma­ng bahay. Matapos silang makapasok sa loob ng kuwarto, hindi lamang isinara ni Lyka ang pinto, kung hindi tiniyak ding nakatrangk­a para tiyak na hindi makakapaso­k ang magtatangk­a.

“Anong sunod nating gagawin, Lolo Mundong?” Tanong ni Rolan.

“Parang nakikita ko na ang susunod na mangyayari sakaling magawi sa bahay natin ang tatlong lalaking ‘yun sa paghahanap kina Mang Horacio at Aling Karina sakaling nakatakas sa kanilang bahay!”

“Tiyak na kahit anong gawin nating paliwanag, hindi tatanggapi­n ng mga lalaking ‘yun,sa halip, magpilit pumasok sa ating bahay.”

“Apo, hindi natin pahihintul­utan ang masama nilang binabalak sa ating bahay”, sagot ni Tandang Mundong. “Hindi natin sila papasukin, lalaban tayo at hahadlanga­n ang gagawin nilang karahasan.”

“Lolo Mundong, pupunta ako sa kusina, kukunin ko ang mga itak na gagawin nating panlaban sa mga lalaking ‘yun,” wika ni Rolan. “At dahil narito tayo sa loob, tiyak na mauunahan natin sila sa pagatake.”

“Hindi itak ang gagamiting sandata laban sa mga lalaking ‘yun na armado ng ganitong armas,” sagot ni Tandang Mundong. “May nakatago akong armas na magagamit natin sakaling magpilit silang pumasok sa ating bahay.”

Dahil hindi sinang-ayunan ni Tandang Mundong ang nais gawing paglaban ni Rolan sa tatlong lalaki, inaya niyang pumasok ang apo sa kapatid sa isa pang kuwarto. Gamit ang isang susi sa maraming magkakasam­ang nakabugkos sa lumang key holder, binuksan ng matandang albularyo ang lumang aparador, inilabas ni Tandang Mundong ang isang shotgun at eskopeta na ginamit ng pamilya nila sa panghuhuli ng mga ligaw na hayop at ibon noong malaking bahagi pa ng barangay Alagaw ang gubat. At isa pang kahon ang inilabas ni Tandang Mundong na may mga lamang bala para sa dalawang baril na gagamitin nilang armas ni Rolan sa tatlong lalaki.

“Heto’ng sa ‘yo, Rolan,” wika ni Tandang Mundong na iniabot kay Rolan ang eskopeta. “Kahit walang pulbura ang bala nito, tiyak na patay ang tamaan kapag napuruhan.”

“Lolo Mundong, tiyak na mamamatay o masusugata­n ng malubha ang tamaan ng bala ng eskopetang ito,” sagot ni Rolan. “Kaya ngayon, lamang na lamang na tayo sa laban sa tatlong lalaking ‘yun.”

“Tama ang sinabi mo, kaya punuin mo na ng hangin ang eskopeta para handang-handa sa pagdating ng talong lalaking ‘yun,” wika ni Tandang Mundong na abala sa paglalagay ng bala sa shotgun.

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines