Balita

Ala Eh!, nakaalpas sila

-

NANAIG ang Batangas CityTandua­y, sa pangunguna ni Rey Suerte na tumipa ng krusyal na opensa, laban sa Navotas-Unipak Sardines nitong Huwebes sa 2019-20 Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season sa Ynares Sports Arena.

Naisalpak ni Suerte ang three-pointer bago nakakuha ng foul kay Navotas’ Kojack Melegrito sa sumunod na play para sa two-free throw charity shots at maibigay ang 69-66 bentahe sa Batangas may 1:39 ang nalalabi sa laro.

Nakabawi ang Navotas sa lau-up ni Osama Abdurasad may 39.4 segundo ang nalalabi. At sa gitgitang sitwasyon, ipinamalas ni Suerte ang katatagan nang muling makakonekt­a sa three-point area para sa ligtas na katayuan, 72-68, may 16 segundo ang nalalabi sa laro.

“We really need it sa standings and especially for the people of Batangas, atleast kahit papaano napa-smile namin sila. Kahit kaunti. [But] we’re still trying to figure out how to win,” pahayag ni Batangas head coach Woody Co.

Nakaiwas ang San Juan-Go for Gold sa pagkolapso nang maitakas ang 70-67 panalo kontra Iloilo.

Nakabangon ang Iloilo sa 12 puntos na paghahabol sa impresibon­g 12-1 blast, tampok ang limang puntos ni Rey Publico para maidikit ang iskor sa 67-68 may 59 segundo sa laro.

May tsansa ang Royals na maagaw ang bentahe sa defending champions nang magtamo ang San Juan ng shot clock violations, ngunit nagawang mabutata ni Mike Ayonayon ang floater ni Aaron Jeruta.

Nakakuha ng foul si Jhonard Clarito kay Alfrancis Tamsi may 3.2 segundo ang nalalabi para sa dalawang free throw at tatlong puntos na bentahe ng San Juan. Sumablay ang game-tying three pointer ni Publico.

“Sabi ko nga, a win is a win. Pero

siyempre, IloIlo ‘yan. May sistema, lahat kumpleto, coaching staff, players. Bigay ko yung credit sa kanila, ready talaga sila buti na lang na-shoot ni Jhonard [Clarito] yung huli,” pahayag ni San Juan head coach Randy Alcantara.

Sa iba pang laro, ginapi ng Pampanga ang Rizal-Xentro Mall, 90-70, para masungkit ang playoff berth. Iskor:

(Unang Laro) Batangas City-Athletics (72) – Suerte 14, Melano 12, Koga 12, Viernes 11, Olivares 7, Grimaldo 5, Santos 4, Sara 3, Tungcab 3, Bragais 2, Rogado 0

Navotas-Unipak Sardines (68) – Guillen 13, Cabahug 13, Taywan 11, Gonzales 6, Melegrito 5, Bondoc 5, Abdurasad 5, Matillano 4, Andaya 4, Bautista 2, Evangelist­a 0, Prudente 0

Quartersco­res: 17-10, 34-31, 51-58, 72-68

(Ikalawang Laro)

San Juan-Go-for-Gold (70) – Clarito 22, Wilson 12, Wamar 12, Ayonayon 11, Aquino 8, Rodriguez 4, Bunag 1, Victoria 0, Reyes 0, Isit 0, Subido 0, Estrella 0, Tajonera 0

IloIlo-United (67) – Publico 17, Escoto 13, Tamsi 10, Prado 7, Jaboneta 4, Arambulo 4, Jeruta 3, Gumaru 3, de Joya 3, Mahari 0, Rodriguez 0, Pantin 0, Racho 0

Quartersco­res: 16-20, 42-33, 61-51, 70-67

(Ikatlong Laro) Pampanga (90) – Juico 19, Hernandez 14, Cruz 10, Cervantes 9, Maiquez 9, Baltazar 7, Binuya 7, Gomez 6, Muyang 4, Alberto 3, Acuno 2, Baltazar 0, Enriquez 0, Fabian 0, Salcedo 0

Rizal-Xentro Mall (70) – Gregorio 21, Benitez 10, Raflores 9, Hoyohoy 7, Leynes 5, Casajeros 5, Saliente 5, Bacay 3, Regalado 3, Butel 0, Raflores 0, Rosales 0

Quartersco­res: 15-18, 39-27, 66-47, 90-70

 ??  ?? NAGHANAP ng mapapasaha­n si Renz Gonzales ng Navotas ang kulampulan siya ng depensa ng Batangas sa krusyal na sandali ng kanilang laro sa MPBL.
NAGHANAP ng mapapasaha­n si Renz Gonzales ng Navotas ang kulampulan siya ng depensa ng Batangas sa krusyal na sandali ng kanilang laro sa MPBL.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines