Balita

Mighty Sports, matikas ang simula sa Dubai

-

DUBAI – Naisalba ng Mighty Sports ang impresibon­g laro ng beteranong karibal na si Fadi El-Khatib ng host United Arab Emirates, 88-82, sa pagsisimul­a ng 31st Dubai Internatio­nal Basketball Championsh­ip Huwebes ng gabi sa Shabab Al Ahli Club.

Sa edad na 40-anyos, mabilis at malupit pa rin ang opensa ng Lebanese legend bilang import ng oil-rich Middle East nation, na nagsalansa­n ng 30 puntos, ngunit naging maagap si Fil-Am Mikey Williams para mailusot ang Mighty Sports sa Group B match ng 11-team tournament.

Naisalpak ng 6-foot-1 na si Williams ang three-pointer para mailagay sa ligtas na katayuan ang Alex Wongchukin­gowned Mighty Sports, 82-78, may 74 segundo ang nalalabi.

Sa pagtataguy­od ng Creative Pacific ni Bong Cuevas, Go for Gold, Oriental Group, Discovery Primea, at Gatorade, tuluyang umusad ang Mighty Sports sa 84-78 sa dunk ni Renaldo Balkman mula sa assist ni Williams.

Nakabawi ang Emiratis sa magkasunod na basket nina Rashed Ayman at El-Khatib para sa 84-82, ngunit naisalpak ni Williams ang dalawang free throw at sinundan ng lay-up ni Thirdy Ravena opera selyuhan ang panalo sa harap ng nagdiriwan­g na mga Overseas Filipino Workers (OFW).

“It was a huge scare for us but we have to credit Mikey for showing great resolve. Big plays at crunch time,” pahayag ni Wongchukin­g.

Inamin nama ni Mighty Sports coach Charles Tiu na nakakaba ang opening game ng koponan.

“I have to be a bit more patient because this is technicall­y our first game together. But give credit to UAE, they played well, got to the free throw line a lot and El-Khatib is still a great player at his age,” pahayag ni Tiu.

Nanguna ang import na si Jelan

Kendrick sa Mighty na may 19 puntos, habang sina Blatche at Balkman ay may tig-15 puntos.

Iskor:

MIGHTY SPORTS (88) – Kendrick 19, Blatche 15, Balkman 15, Williams 15, Malonzo 8, Moore 8, Ravena 2, Go 2, Belga 2, Gomez de Liano Ju. 2, Ildefonso 0.

UAE (82) – El-Khatib 30, Alshabebi 27, Ayman 6, Alnuaimi 6, Almaazmi 5, N’Diaye 3, Sultan 0, Alajmanni 0.

Quarters: 22-16, 41-37, 63-65, 8882.

 ??  ?? NAKUMPLETO ni Mighty Sports forward Renaldo Balkman ang fast break play sa isang tagpo ng kanilang laro laban sa host United Arab Emirates sa opening match ng 31st Dubai Championsh­ip Huwebes ng gabi sa Shabab Al Ahli Club
NAKUMPLETO ni Mighty Sports forward Renaldo Balkman ang fast break play sa isang tagpo ng kanilang laro laban sa host United Arab Emirates sa opening match ng 31st Dubai Championsh­ip Huwebes ng gabi sa Shabab Al Ahli Club

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines