Balita

Gusot sa kampo ng San Beda?

- Marivic Awitan

BUNSOD ng pag-alis sa kanilang poder ng ilan sa mga manlalaro, nabuo ang mga hinala at haka-hakang may problema ang men’s basketball team ng San Beda University.

Ilang araw pa lamang ang nakakalipa­s, umalis sa kampo ng Red Lions at lumipat ng De La Salle ang kanilang lead point guard na si Evan Nelle.

Umalis din ng San Beda at lumipat naman ng Arellano si dating Red Cub Ain Obenza na inaasahan pa naman nilang magiging back up sana ni Nelle.

Kaugnay nito, may usap-usapan ding sisibakin si coach Boyet Fernandez sa puwesto matapos ang naging kabiguan ng Red Lions sa nakaraang Season 95.

Ngunit, lahat ng mga ito ay pinabulaan­an ni San Beda Red Lions team manager Jude Roque.

Nilinaw ni Roque na walang sama ng loob sa pagitan ng San Beda at ng kampo ni Nelle.

Aniya, ikinalulun­gkot nila ang naging desisyon ni Nelle, ngunit iginagalan­g nila ito.

“Evan has proven [himself] to be the best playmaker in the NCAA last year. Now, he has the chance to prove the same in the UAAP next year. He was the main reason we swept the elims. He made Calvin [Oftana], Donald [Tankoua], James [Canlas], Clint [Doliguez], and the rest of our team look good on the floor,” ayon kay Roque.

Sinabi din nito na walang “internal problem” ang San Beda at sa katunayan handa na ang kanilang bagong kapitan na si reigning MVP Calvin Oftana upang pamunuan ang kanilang susunod na kampanya.

Si Fernandez pa rin aniya ang magsisilbi­ng coach ng Red Lions sa darating na Season 96 ng NCAA.

“There are rumors about having internal problems in the team. I can assure the community there is none.”

“Calvin, now the new team captain, has vowed to lead our redemption campaign. James is more determined to lead us too, and so is co-captain Franz Abuda,” wika pa ni Roque.

“Coach Boyet is still the workhorse that he is, who knows how to win, without a doubt,” dagdag nito.

Naniniwala sila ayon pa kay Roque na gaya ng dati, makakaya ng San Beda na muling makabawi.

“We have overcome trials in the past and still came out as winners. Players come and go, coaches come and go, but the program has remained strong and steady; and will remain that way, for as long as we have the support of the community.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines