Balita

Davao Cocolife, angat sa Paranaque

-

BUMAWI kaagad ng panalo ang Davao Cocolife Tigers matapos pabagsakin ang Parañaque Patriots,7870 sa pagpapatul­oy ng Chooks To Go Maharlika Pilipinas Basketball League. Lakan Season kamakalawa sa San. Andres Sports Complex sa Maynila.

Umangat pa ang kartada ng Tigers sa 22-4 dalawang araw matapos silang daigin ng mahigpit na karibal sa liga na San Juan Knights sa kanilang road game sa Iloilo City.

“Parañaque played tough. This victory is another learning experience for us especially playing against hungry and young teams. Di dapat na kampante,” pahayag ni Davao Cocolife Tigers team manager Dinko Bautista kaagapay si deputy manager Ray Alao.

Umarya ang Patriots sa 27-21 sa second quarter, tampok ang 7-0 run na ibinuga ni King Tiger Mark Yes.

Naghahabol ang Paranaque, 63-76, nang makahirit ng ganting 7-0 run tampok ang jumper ni Keith Pido para makadikit sa 70-76 may 45 segundo ang nalalabi.

Agad namang nakabuwelt­a ang Cocolife at nanindigan sa krusyal na sandali para makamit ang panalo.

Panibagong double-double performanc­e ang inilaro ni Yee sa kanyang 17 puntos, 17 rebounds at anim na assists upang akayin ang Tigers ni team owner Rep.Claudine Bautista sa ayuda nina Cocolife President Atty. Jose Martin Loon,FVP Joseph Ronquillo,AVP Rowena Asnan at SVP Franz Joie Araque sa panalo at manatiling nasa ituktok ng team standing sa South Division ng ligang inorganisa ni Senator Manny Pacquiao.

Kumamada run para sa Tigers sinaEmman Calo(16puntos),Marco Balagtas(12),Chester Saldua(11),Billy Robles at Raymundo na may parehong 10 points.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines