3 wanted, ipina-deport

Balita - - Front Page - Jun Ramirez

Ipinatapon na ng Bureau of Immigratio­n (BI) sa kani-kanilang bansa ang tatlong dayuhang wanted, kabilang ang isang Chinese at dalawang Amerikano, dahil sa kinakahara­p na iba’t ibang kaso.

Ipinahayag ni BI chief Jaime Morente, kabilang sa mga ipina-deport sina Cai Cancan, 19, na matagal ng pinaghahan­ap sa China sa kasong economic sabotage.

Sa rekord, si Cancan ay inaresto ng fugitive search unit ng ahensya sa Parañaque City, nitong Enero 16.

Sa report ng mga awtoridad ng Xiamen sa China, matagal ng nagtatago sa batas si Cancan, kasama ang iba pang kasabwat, dahil sa kanilang credit card fraud scheme kung saan nakatangay sila ng US$300,000 sa mga biktima.

Sa nasabi ring petsa, inaresto naman sa Cagayan de Oro City ang Amerikano na si Xerxes Pancipanci, 34, na wanted naman sa homicide case matapos masangkot sa vehicular accident.

Dinakma si Pancipanci sa bisa ng warrant na ipinalabas ng isang superior court sa King County, Washington.

Ang dalawa ay dumating sa bansa noong nakaraang taon.

Ang ikatlo na isa ring Amerikano na si Richard Bruce Weiser, 72, ay nasakote Sagay, Negros Oriental matapos akusahan isang pedopilya.

Sinabi ng US embassy na may nakabinbin na arrest warrant si Weiser na ipinalabas ng district court sa Harris County, Texas kung saan ito kinasuhan ng pangmomole­stiya ng isang 14 taong lalaki.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.