Kelot, tigok sa sunog

Balita - - Front Page - Nino N. Luces

LEGAZPI CITY, Albay – Patay ang isang 40-anyos na lalaki nang hindi na makalabas sa nasusunog na bahay sa Vel Amor Subd., Barangay 18, ng naturang lungsod, nitong Huwebes ng hapon.

Kinilala ni Captain Dexter Panganiban, tagapagsal­ita ng Albay Police Provincial Office, ang nasawi na si Jovy Atutubo, 40, taga-Vel Amor Subdivisio­n.

Sa paunang imbestigas­yon, nakulong na sa nasusunog na bahay si Atutubo, dakong 5:20 ng hapon.

“Accordingl­y, when the fire started to spread, the spouses Joseph and Rosario Atutubo immediatel­y went outside of their house together with their son Jovy Atutubo. However, Jovy returned to the house to possibly save some of their belonging but he was trapped and suffocated inside,” ayon kay Panganiban.

Natagpuan na lamang ang bangkay ni Atutubo nang maapula na ang sunog.

“When the fire was already under control, the responding BFP personnel found Jovy Atutubo unconsciou­s with skin burns on the different parts of his body and he was immediatel­y brought to Legazpi City Hospital but was pronounced dead on arrival at about 6:00 pm of this date by Dr. Chrischell­e P. Bernal, attending physician,” ayon pa sa opisyal.

Inaalam pa ng arson investigat­or ang sanhi ng insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.