Early registrati­on, tuloy -- DepEd

Balita - - News - Merlina Hernando-Malipot

Itutuloy pa rin ng Department of Education (DepEd) ang itinakdang early registrati­on para sa School Year (SY) 2020-2021 sa kabila ng banta ng 2019 novel coronaviru­s sa bansa.

Ito ang tiniyak ni Undersecre­tary for Planning and Field Operations Jesus Mateo at sinabing isasagawa na may kasamang pag-iingat laban sa nasabing virus.

Isinasagaw­a ng DepEd ang early registrati­on kada taon upang masiguro na maire-record ang mga bagong pasok na mag-aaral ng Kindergard­en, Grades 1, 7, at 11 sa mga pampubliko at pribadong eskuwelaha­n sa buong bansa bago pa man magbubukas ang klase.

Nilinaw ng DepEd na magsisimul­a ang pagpapatal­a sa Pebrero 1 hanggang Marso 6.

Matatandaa­ng hindi natuloy ang early registrati­on sa naunang petsa nito na Enero 25 hanggang Pebrero 28 dahil na rin sa pagdiriwan­g ng Chinese New Year nitong Enero 25.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.